A/n: Ngayon pa lang magsosorry na ako kung ganito ang kinalabasan ng chapter na ito 😂 Ito lang ang nakayanan ng utak ko kaya please, don't be mad at me 😢 Maski ako, naiinis ako sa sarili ko kasi ganto ang kinalabasan. Thank you for reading guys! 😘 Maybe 5 chapters left before the epilogue 😊 Please support! God bless 😊😇
Ryle's POV
God knows how much I want to go to Samantha's house and tell her that I'm sorry for hurting her. I want to tell her how much I love her, how much I miss her and also I want to tell her that I want her back even though there's no existing 'us.' Marami akong gustong sabihin sa kanya pero alam kong hindi ko muna magagawa iyon ngayon. May problema pa akong dapat ayusin at may relasyon pa akong dapat tapusin.
I don't know how to break up with Nathalie without hurting her feelings but I have to do this, anuman ang maging resulta, buo na ang aking desisyon.
I'm on my way on Nathalie's condo. Ngayon na ako makikipagbreak sa kanya, lahat ng namamagitan sa'min, wawakasan ko na.
Lord, please guide me.
Pagkarating ko sa kanyang condo, hindi na ako kumatok dahil hindi naman naka-lock ang pinto niya. Walang ingay akong pumasok sa bahay niya at pagkarating ko sa pintuan ng kwarto niya, natigilan ako dahil sa naririnig ko.
"Mission accomplished, Pat! Tuluyan ng mawawala sa landas ko ang malanding babaeng iyon. Nabalitaan kong ngayon ang alis niya patungong America at doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya." Napasandal ako sa pader ng kwarto niya at lihim na nakikinig sa mga pinagsasabi niya.
May parte sa'kin na nagsasabing huwag munang magpakita sa kanya at magpatuloy lang sa pakikinig kaya ganun nga ang ginawa ko.
"Sa wakas makakakilos na ako ng maayos at masisimulan ko na ang plano ko kung paano siya magiging akin at kung paano mawawala ang pagmamahal niya sa malanding babaeng iyon." Nangunot ang noo ko. Sino ang malanding babae iyon at sinong 'siya' ang tinutukoy niya?
"Si Ryle?" Narinig ko ang pagtawa niya nang banggitin niya ang pangalan ko. Nagtataka man ngunit hindi ako nagpatinag, nagpatuloy lang ako sa pakikinig. "... Beshie, alam mong ginagamit ko lang siya. Simula nang bumalik ako sa buhay ni Ryle, alam kong patay na patay si Samantha sa kanya kaya ako nakipagbalikan sa tangang lalaking 'yon. I want Ryle to hurt Samantha, emotionally. Masyadong mahina ang puso ng babaeng iyon, ikapapahamak niya kapag nasaktan iyon ng sobra-sobra at deserve niya iyon dahil malandi siya." Nanigas ako nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Ni hindi ko magawang kumilos para magpakita sa kanya at komprontahin siya sa ginagawa niya.
"Ivan and I deserves a happy ending, kami dapat ang magkatuluyan at hindi dapat maging masaya ang babaeng iyon. Lahat na lang inagaw niya sa'kin. At si Ryle, tatapusin ko na ang pakikipaglaro ko sa kanya. Wala na siyang kwenta sa'kin." Tumawa pa siya na animo'y sinapian ng demonyo.
Napapikit ako ng mariin at naikuyom ko ang aking kamao. Inihakbang ko ang paa ko para tuluyan nang nagpakita sa kanya. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko, napakasama niya!
"Then I declare that the game between us is over, Nathalie." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Babae pa rin siya, ayoko siyang saktan.
Kitang kita ko kung papaano nanlaki ang mga mata niya.
"R-Ryle..."
"Happy now, babe? Hindi mo man lang ako ininform na nakikipaglaro ka lang pala, edi sana nakipaglaro ako. Diyan ako magaling e. Ano, naging masaya ka naman ba sa paglalaro mo?" Gusto ko siyang sigawan pero pinili ko pa ring maging kalmado.
"R-Ryle, m-mali yung n-narinig mo, nagbibiruan lang kami ni Pat. Please, maniwa------" Sinipa ko ang study table sa tabi ng kama niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
Ngayon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Putang ina naman, Nathalie! Anong tingin mo sakin, tanga? Bobo? Walang utak? Siraulo? Puta, lahat na! Sino sa tingin mo ang maniniwala d'yan sa walang kwentang palusot mo? Ako?" Tumawa ako't napailing "... Maaaring napaniwala mo ako na mahal mo ako pero sa putang inang palusot mo? Pati bata hindi maniniwala."
Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya dahilan para mapadaing siya sa sakit.
"Pinagsisisihan kong nagdalawang-isip pa akong makipaghiwalay sa'yo kasi ayaw kitang saktan. Ngayon, buo na, hindi na ako magdadalawang-isip pang gawin ito dahil ang babaeng pinili kong mahalin ay napakawalang kwentang tao pala."
Naalala ko yung sinabi niya kanina na ngayon daw ang alis ni Samantha kaya kahit na marami pa akong gustong sabihin sa kanya ay sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Kapag may nangyaring masama kay Samantha, better hide yourself, Nathalie. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo kahit babae ka pa, tandaan mo yan." Nanggagalaiting banta ko sa kanya.
Napansin ko yung litrato nilang dalawa ni Ivan sa tabi ng kama niya, kinuha ko iyon at pinagmasdan sandali at saka walang sabi-sabing binato sa dingding ng kwarto niya.
"I know Ivan, very well. Mga katulad ni Samantha ang type niya, mabait, matalino at inosente. Hindi tulad mo, bitch." Nakangising sabi ko sa kanya at iniwan siyang umuusok na ang ilong sa galit.
Pagkababa ko ng building na iyon ay wala na akong sinayang pang oras. Mabilis akong pumasok sa kotse na hiniram ko kay daddy at pinaharurot iyon.
Sampung minuto ang lumipas nang makarating ako sa bahay nina Samantha. Naabutan ko do'n si tita na abala sa pagwawalis ng kanilang maliit na bakuran.
Dali-dali akong bumaba ng kotse at lumapit sa kanya.
"Tita, nandyan pa po ba si Sam?" Hindi ko alam kung bakit natataranta ako.
Halatang nagulat si tita sa biglaang pagsulpot ko.
"Ryle, iho, bakit mo hinahanap ang anak ko?"
"May kailangan po akong sabihin sa kanya, tita. Please, sabihin mo po sa'kin, nandito pa po ba siya?"
Napailing siya't nabuntong hininga.
"Samantha is not here. Kanina pa nakaalis ang eroplanong sinakyan niya, hindi mo na siya makikita rito, Ryle."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...