Chapter 21

37 6 0
                                    

"Samantha..."

Napatigil ako sa paggulo ng buhok ko nang may tumawag sa pangalan ko. Lihim akong napairap nang makita kung sino iyon.

"Anong kailangan mo? Pakibilisan lang, marami akong kailangang gawin. Isa pa, wala akong oras na makipagplastikan sa'yo." Mataray na sabi ko nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya. Nakakainis kasi parang lahat na lang ng minamahal ko ay sa kanya napupunta. Noon, naghiwalay kami ni Ivan, dahil sa kanya. Ngayon naman, malalaman ko na siya pala ang mahal ni Ryle. Alam kong wala na akong magagawa 'ron pero kasi, naiingit ako. Naiinggit ako kasi ang swerte niya.

Nawala ang ngiti niya nang dahil sa sinabi ko.

"Galit ka pa rin ba sa akin, Sam? Sorry na. Hindi ko kayang suwayin si papa kaya pumayag ako na ipagkasundo nila ako kay-----"

"I know. Ivan explained me everything." Putol ko sa kanya.

Bahagya itong nagulat.

"Kung ganun, okay na kayo ni Ivan? Napatawad mo na rin ako?" Masayang wika niya.

Tumikhim ako.

"Hindi porkit napatawad ko na si Ivan, mapapatawad na rin kita." pambabara ko sa kanya na nakapagpapawi ng ngiti niya.

Magsasalita na sana siya nang dumating si Ivan.

"Here's your food, Sam. Kumain ka ng marami----" naputol ang sinasabi niya nang makita si Nathalie. Tila hindi nito napansin si Nathalie ng inilapag niya ang pagkain.

Bahagya siyang nagulat ngunit agad naman itong napalitan ng kanyang walang emosyong mukha.

"What are you doing here, Nathalie? Kung nandito ka para pilitin na naman ako na pakasalan ka, umalis ka na. Nag-aaksaya ka lang ng oras." Matabang na sabi nito.

"No. I'm here to fix everything, Ivan. Gusto kong maibalik muli ang dating pagkakaibigan nating tatlo. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko pero sana mabigyan niyo pa ako ng chance para ayusin kung ano ang nasira ko dati. Hayaan niyo akong ayusin ang pagkakaibigan natin noon." Aniya. Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

Napabuntong hininga ako. Wala namang patutunguhan itong inggit na nararamdaman ko sa kanya, e. Hindi ko dapat pairalin ito. Siguro oras na para patawarin ko na rin siya.

"To fix everything? How? Nasira na iyon. Sa tingin mo ba ganun lang kadaling ibalik ang pagkakaibigan natin dati. Marami ng nagbago,----"

Pinutol ko na ang sinasabi ni Ivan.

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Bakit hindi natin siya bigyan ng isa pang pagkakataon, Ivan?" singit ko. Every people deserves a second chance. Nagawa kong patawarin si Ivan, siguro oras na rin siguro para patawarin ko rin si Nathalie.

"Pero----" Magsasalita pa sana siya ngunit pinigilan ko siya.

"Nagawa kitang patawarin, siguro oras na para patawarin ko rin siya. Besides, nasira man ang pagkakaibigan natin noon, siguro naman pwede tayo magsimula ulit ngayon." Ngumiti ako sa kanila. Kita ko pa rin ang pag-aalala sa mata ni Ivan ngunit alam niyang wala na siyang magagawa.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni Nathalie.

"Thank you, Sam. Thank you."

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now