Chapter 32

39 4 0
                                    

After kong umiyak kay Ivan nung birthday ko, at the same time nung na kanila Ana kami, sinimulan ko na ang pag-iwas kay Ryle. Mahirap, oo. Pero alam kong sa simula sa simula lang ito. Sa tingin ko kasi hindi ko makakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya kung malapit ako sa kanya at hindi ko siya iiwasan.

Kinakausap niya ako pero tanging tipid at tango lang ang naisasagot ko sa kanya.
Nakakainis kasi wala akong choice kung hindi ang pansinin siya kasi nasa ibang bansa sina Ivan at Nathalie kasama ng mga pamilya nila.  Wala naman akong ibang natitirang kaibigan dito kundi siya lang.

Alam kong mahirap para kay Ryle na payagan si Nathalie lalo na't galit siya kay Ivan pero wala siyang magagawa. May tiwala naman daw siya kay Nathalie.

"Samantha, tara lunch tayo?"

Speaking of the devil...

"Kumain na ako." Sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay hindi pa, it's just my way to avoid him.

"Edi samahan mo na lang ako." Pagpupumilit niya.

"I have a lot of something to do kaysa samahan ka, Ryle. So if you don't mind, I have to go." Mariing sabi ko saka tinalikuran siya at naglakad palayo.

"Are you avoiding me, Sam?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong sabihin niyang iyon.

Humarap ako sa kanya at lumapit naman siya sa'kin.

"No. I'm just tired." Sagot ko. Tired of loving you.

"Tired of what? Tired of being my best friend?" Inis na tanong niya.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

"Saan mo naman napulot ang tanong na yan?" Inis ding turan sa kanya.

"Yun kasi ang napapansin ko sa'yo, Sam! Palagi kang umiiwas sa'kin na akala mo'y may nakakahawa akong sakit. Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga matitipid na sagot mo sa'kin? Sam, 'wag naman sana yung ganito! Hindi na ikaw yung Samantha na nakilala ko e. Hindi na ikaw yung Samantha na best friend ko. Why, Sam? May nagawa ba akong mali?" Frustrated na tanong niya.

Napapikit ako ng mariin.
Buti na lang, walang masyadong taong nadaan dito sa likod ng Gymnasium ng school namin ngayon.

Hindi ako umimik. Ayokong magsalita. Baka kasi kapag nagsalita ako, masabi ko pa kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.

"Alam kong naging malamig ako sa'yo simula nung maging kami ni Nathalie. Yun kasi ang gusto niya e, ang iwasan kita. Ginawa kong iwasan ka kasi ayokong magkagulo. Ayokong mag-away kaming dalawa at ayokong saktan ka niya kapag nakita niyang magkasama tayong dalawa. Nung umalis siya, pumayag ako kasi gusto kong bumawi sa'yo! Miss na kita, Sam! I miss my best friend. Sorry sa mga pagkukulang ko bilang best friend mo. 'Wag mo naman akong iwasan, please..." Kita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Nathalie na naman!

Malamang, Sam! Mahal niya 'yon e. Best friend ka lang!

Imbis na sumagot, tumalikod ako sa kanya at muling humakbang palayo.
Pero muli niya na naman niya akong pinigilan.

"Samantha..."

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na kaya 'to!

"You know what? You're right! I'm tired of being your best friend." Mariing sabi ko, kasabay nun ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"W-Why, Sam? M-May nagawa ba akong mali?" Sinubukan niya akong hawakan pero agad kong tinabig ang kamay niya.

Umiling ako.

"Wala.. Pero dito..." Turo ko sa puso ko. "... Meron. Masyado na kasi siyang nasasaktan e. Wasak na wasak na siya. Nakakapagod ng magpanggap na masaya sa harapan mo kahit ang sakit-sakit na. Nakakapagod ng umiyak ng patago sa tuwing pinamumukha mo sa'kin na hanggang best friend lang tayong dalawa. Nakakapagod ng umasa na baka paggising ko, pwede na tayo. Mahal mo ko't mahal kita. At higit sa lahat, nakakapagod na mahalin ka pa!" Umiiyak na sabi ko. Sa sinabi kong iyon, medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

"Don't tell me..." Bakas ang gulat sa mukha niya. Bigla siyang namutla.

"Yes. I'm in love with you, Ryle. I fell in love with my best friend who doesn't love me back. I fell in love with my best friend who in love with someone else." Pumikit ako saka muling nagsalita.

"Ilang beses ko nang tinangkang umamin sa'yo, pero sabi ko 'wag na lang. Maigi ng sarilinin ko na lang ang sakit. Okay lang sa'kin na masaktan ng patago. Okay lang sa'kin na maging tanga. Nakikita ko naman na masaya ka e. Pero hindi ko na kaya e... Wasak na wasak na ako. Wasak na wasak na ang puso ko. Maging sa panaginip ko, paulit-ulit mong pinamumukha sa'kin na hanggang magbest friend lang tayong dalawa. Tanggap ko naman e, pero bakit hindi ko pa rin maiwasang masaktan? Bakit pa rin ako umaasa?" Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.

"Samantha.. I'm sorry but I can't love you back. M-Mahal ko si Nathalie at mahal din kita. Mahal kita bilang best friend ko l----" hindi ko na siya pinatapos. Tinakpan ko ang bibig niya.

Ngumiti ako.

"I know. I understand. Tanggap ko. Tanggap na tanggap ko na. Ginagawa ko ng kalimutan ka. Sorry huh? Sorry because I let myself to fall in love with you. Maybe this is the right time para putulin na natin pansamantala ang pagkakaibigan nating dalawa. Sorry for being selfish but I have to do this. I have to forget my feelings for you. Tutal alam mo na ang nararamdaman ko para sa'yo, alam kong mahihirapan na tayong ibalik pa ang dati. Kaya mabuti ng putulin 'muna' natin 'to. Pangako, babalik ako bilang kaibigan mo. At sa pagbabalik ko, hanggang kaibigan na lang ang turing ko sa'yo. Besides..." Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mga mata ko.

"I miss me. The old me, the happy me, the bright me, the laughing me, the gone me. Ito na siguro ang tamang panahon para ibalik ko na ang dating ako, noong hindi pa ako naiinlove sayo... I want myself to be happy, Ryle." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko.

Tumalikod ako saka naglakad palayo pero bago pa ako makalayo, humarap ako sa kanya saka ngumiti.

"Thank you for everything, Ryle. Goodbye, best friend."

---

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now