"Wala kang kasalanan."
Tumingala ako para tingnan ang may-ari ng boses na iyon. Agad kong tinuyo ang luhang pumapatak sa mata ko nang mapagsino iyon. Ate ito ni Ivan na kasalukuyang principal ng school na 'to.
"A-Ahh ikaw po pala, ma'am." Utal na sabi ko. Inaamin kong takot ako sa kanya, mataray kasi siya at minsan lang kung ngumiti. Laging malamig ang pakikitungo at pakikipag-usap niya sa akin noon. Hindi ko alam kung gusto niya ba ako para kay Ivan o hindi.
Tumango lang siya. "Follow me, we need to talk." Gaya ng inaasahan, malamig ang tono niya ng sabihin iyon.
"P-Pero ma'am, paano po si Ryle?" Tanong ko. Pilit kong tinatago ang aking kabang nararamdaman. Tumikhim siya saka tinawag si Nurse Anne, ang nurse na nag-asikaso kanina kay Ryle nang dalhin namin siya dito.
"Nurse, pakibantayan muna si Mr. Ortillo habang wala pa si Sam. We just need to talk." Utos nito kay Nurse Anne.
"Yes Ms. Gonzales." Magalang na sagot niya.Tumango naman si Ms. Gonzales saka naglakad palabas. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.
**
"Have a sit." Sabi niya saka tinuro ang upuan na nasa harapan niya.
Tahimik na umupo na lang ako. "Ma'am, I'm so sorry sa nangyaring kaguluhan kanina sa room. Alam ko pong ako ang puno't dulo ng kagulu---"
"Stop!" Pigil niya sa akin."Alam ko na ang nangyari, nakausap ko na ang kapatid kong si Ivan. Hindi kita pinapunta dito para pagpaliwanagin, pinapunta kita dito para kausapin." Tumikhim siya saka muling nagsalita. "I know that my brother still loves you. He can sacrifice everything just to be with you. Alam mo naman iyon diba?" panimula niya. Kahit na nagtataka ay tumango na lang ako. Alam ko iyon, sinabi niya iyon noong araw na bumalik siya at nagtransfer dito.
"Good. Ngayon, tatanungin kita, Do you still love my brother? May nararamdaman ka pa ba kahit konti para sa kanya?" Tanong niya. Nagtaka naman ako. Bakit siya nagtatanong tungkol sa amin ni Ivan?
"H-Hindi ko na po alam." Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na nagtataka, pinili ko pa ring sagutin ang mga tanong niya.
Napabuntong-hininga at tumango siya. "Can you tell me why?" Tanong niya. Bahagyang lumamlam ang mga mata niya.
"Because I think I falling in love with my bestfriend. I'm sorry but hanggang kaibigan na lang siguro ang kaya kong ibigay kay Ivan. Mahal ko na si Ryle at sa tingin ko natabunan na ng pagmamahal ko sa kanya ang pagmamahal ko kay Ivan. Kahit na alam ko na hanggang kaibigan lang ako para sa kanya, siya pa rin ang tinitibok nito.." Turo ko sa puso ko.
"You don't need to say sorry, Sam. Thank you for being honest. May tiwala ako sa'yo, alam kong hindi ka gagawa ng ikakasakit ng damdamin ng kapatid kahit na hindi na siya ang mahal mo. Alam kong naiintindihan ka niya, sana patawarin mo siya dahil sa nagawa kay Ryle." Nakangiting wika niya. Sa wakas ay nakita ko na siyang ngumiti.
Ngumiti ako at saka tumango.
"Napatawad ko na siya, hindi ko kayang magtanim ng galit o sama ng loob sa kanya." Sabi ko. Muli, ngumiti siya at niyakap niya ako ng mahigpit. "From now on, call me Ate Val ha? Sige na, baka gising na si Ryle, marami rin akong gagawin dito e." Tumawa siya. "Sige po. Ate Val." Sabi ko sa kanya saka muli siyang niyakap.
"Godbless, Sam."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...