Ryle's POV
"Pa, ma, nandito na po ako!" Sigaw ni Sam pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa bahay nila.
Unang lumabas ang medyo may edad ng lalaki na pakiwari ko ay ang papa niya.
Ngumiti ito at hinalikan si Sam sa noo.
"Oh, anak, mabuti naman at dumating ka na." Bungad ni tita na kakalabas lang sa kusina. Humalik ito sa pisngi ni Sam saka bumaling sa akin.
"Magandang Hapon po tita, magandang hapon po sir." Bati ko sa mga magulang ni Sam.
"Magandang Hapon din sa iyo, iho. If I'm not mistaken, you are Ryle, Sam's best friend right?" Nakangiting tanong sa akin ng papa ni Sam.
Nakangiting tumango ako.
"Opo, sir."
"Call me tito instead of Sir. Masyado ka namang formal." Bahagya itong natawa sa sariling sinabi.
"Ahh pa, bihis lang po ako." Singit ni Sam. Tumango naman agad ang ama nito.
"Halika sa kusina, iho. Kain na tayo ng meryenda. Nagluto si misis ng spaghetti bilang meryenda." Nakangiting sabi nito.
***
"Ilang taon ka na iho?" Tanong sa akin ng papa ni Sam.
Kasalukuyan kaming kumakain spaghetti.
"18 po." Sagot ko.
"Aba, pwede nang mag-asawa." Biro nito.
"Haha. Wala pa po sa isip ko yan tito." Natatawang sabi ko.
"Naku pa, andaming babae yan. Maraming pagpipilian hahaha." singit ni Sam.
"Selos ka naman?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Asa uy! Hindi kita type no!" Nakasimangot na sabi nya.
Pikon.
"Ang sweet nila mahal noh? Parang tayo lang dati." Sabi ni tita kay tito.
"No way, ma! Babaero yan." Asik ni Sam kay tita.
"Bakit defensive ka?" pang-aasar ni tito kay Sam.
"Hahaha oo nga Sam, bakit defensive ka? Crush mo ko 'no?" Pang-aasar ko sa kanya. Nagsisimula na itong mamula. Ang cute.
"Che! Tumigil ka!" inis na sabi niya.
"Ayiee! Aminin." Pang-aasar pa ni tita sa pulang-pulang mukha ni Sam.
Napuno nang tawanan ang buong kusina nila nang magwalk-out si Sam.
***
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...