Samantha's POV
"Samantha!" Tawag niya sa akin. Tila ba wala siyang pakielam sa mga taong dumadaan dito sa soccer field ng school namin. Gusto niya atang gumawa ng eksena.
Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ayoko na. Ayoko nang mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya kapag pinagpatuloy ko pa itong pagkakaibigan namin. Ayoko nang masaktan pa ng paulit-ulit. Nakakasawa na.
Nagulat nalang ako nang may biglang humablot ng braso ko.
"Samantha ano ba? May problema ba tayo? May nagawa ba akong mali sayo? Ano? Sabihin mo, ilang araw mo na ako iniiwasan e." May halong pagmamakaawang sabi niya.
"Wala.tayong.problema." mariing sabi ko sa kanya.
"Kung wala e, bakit mo ako iniiwasan?" tumaas na ang boses niya.
"Wala ka na dun!" Sabi ko sabay talikod.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay biglang nagsilabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I can't see myself living without you, my bestfriend." Mahinang sabi niya sapat na para marinig ko.
Napatigil ako.
"Bestfriend lang ba talaga Ryle?" Sabi ko habang nakatalikod parin. Ayokong makita niya akong umiiyak. Hindi na dahil sa iba kundi dahil na sa kanya.
"Huh?" Nagtatakang tanong niya.
"Bestfriend lang ba talaga ako sayo? Hanggang bestfriend lang ba talaga ang kaya mong ibigay na pagmamahal sa akin?" Hindi ko na napigilan pa, tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha mula sa mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? At saka bakit ka umiiyak?" Naguguluhang tanong niya.
Napapikit ako ng mariin. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya pero alam niya paring umiiyak ako. Siguro ay dahil iyon sa mga hikbi ko.
"Tanga kaba o manhid ka lang talaga? Hindi paba obvious? MAHAL KITA Ryle! Higit pa sa pagiging bestfriend mo!" Umiiyak na sabi ko. Pinipilit kong wag mautal habang sinasabi yun. Pinipilit kong wag humikbi habang binibitawan ko ang mga katagang iyon.
Sa wakas ay nasambit ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa wakas ay nasabi ko na sa kanyang mahal ko siya.
"Pero..."
Hindi ko na siya pinatapos.
"No need to speak Ryle. I already know your answer. Tanggap ko na. Hindi na ako umaasang ganun din ang pagtingin mo para sakin. Nakakapagod na." Tila ba parang binabato ng karayom ang puso ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Muli akong humarap sa kanya at sinabi ang katagang...
"Goodbye, my Bestfriend."
***
"Anak! Gising. Anak! Anak!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni mama. Puno ng pag-aalala ang boses niya.
"Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak? Pinuntahan kita rito para sana gisingin ka dahil mahuhuli ka na sa klase mo pero naabutan kitang nananaginip habang umiiyak. Nanaginip ka ba ng masama, anak?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya.
Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig na dala ni papa mula sa kusina. Ininom ko iyon at agad naman akong nahimasmasan.
"Okay ka lang ba, anak?" Tanong sa'kin ni mama.
Umiling ako.
"Bakit, anak? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni mama.
Tumango ako. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
"Saan, anak?" Mas dumoble ata ang pag-aalala niya.
Tinuro ko ang puso ko.
"D-Dito ma. Ang s-sakit. Alam ko namang sa simula pa lang, wala na akong pag-asa e. Walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko pero tinuloy ko pa rin. Sinubukan ko namang pigilan ma, e, pero hindi ko kaya. Hulog na hulog na ako sa kanya.." Yinakap ako ni mama pati na rin ni papa.
"Mahal na mahal ko si Ryle, ma, pa." Humagulgol ako ng iyak.
"Shhh... sige anak, umiyak ka lang. Iiyak mo lang yan. Normal lang umiyak sa taong nagmamahal.. Pero anak, bakit hindi mo siya tanungin? Bakit hindi mo siya komprontahin? Bakit hindi mo subukang umamin? Malay mo, gusto ka rin niya." Pag-aalo sa'kin ni papa. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na baka tama siya pero ayoko na. Ayoko ng paasahin ang sarili ko. Masaya na siya kay Nathalie e.
"H-Hindi totoo yan, pa. Masaya na siya kay Nathalie. Ang dati naming kaibigan ni Ivan na naging kaibigan ko ulit. Mahal na mahal nila ang isa't isa at ayokong humadlang dun. Sapat na sa'kin ang makita silang masaya kahit ako na lang ang masaktan, ayos lang. Siguro hanggang pagkakaibigan lang talaga ang gusto ng Diyos para sa'ming dalawa." Ngumiti ako ng pilit.
"Love never seems that easy for everyone, because love is actually a difficult one, anak. Hindi kailanman naging madali ang pagmamahal lalo na kung lagi ka namang nasasaktan. Mahirap magmahal ng patago anak, dahil yung sakit na nararamdaman mo kailangan mo ring itago, alang-alang sa pagkakaibigan niyo. Nandito lang kami ng papa mo, anak. Handa kaming maging sandalan mo anumang oras. Kaya tahan na, ayaw kitang nakikitang ganyan." Gumaan ang loob ko kahit papaano sa sinabi ni mama.
"Thank you ma, thank you pa. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung wala kayo sa tabi ko. I love you." Sabi ko saka yumakap sa kanila.
"Anything just for you, anak. Lagi kaming magiging sandalan mo lalo na ngayong nasasaktan ka. Kaya 'wag kang mahihiya magsabi sa'min ng nararamdaman mo huh? Mahal na mahal ka namin, anak."
"O'sya, tama na muna ang drama. Maligo ka na at maghandang pumasok sa klase mo baka mahuli ka. Ihahanda ko lang ang almusal.." Sabi ni mama saka bumaling kay papa. "... At ikaw, maghanda ka na rin at may meeting ka pang pupuntahan." Pagkasabi niya 'non, ngumiti siya sa'kin saka lumabas ng kwarto ko.
Sumunod naman si papa na hinalikan muna ako sa noo bago lumabas.
Napangiti ako.
God, thank you for giving me a parents like them.
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...