Chapter 13

49 7 0
                                    

"I still love you and I want you back."

Napahinto ako nang marinig ang sinabing iyon ni Ivan..
Hindi makapaniwalang humarap ako sa kanya.

"Haha.. Kung joke iyan, tigilan mo na, hindi bumebenta." Sarkastikong wika ko.

"I'm not kidding, Sam. Mahal na mahal pa rin kita.. Nandito ako para ipaliwanag sayo ang lahat.." Sinserong na sabi nya.

Napapailing ako habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Really? After 6 months? Ngayon mo lang naisipang magpaliwanag?" Natawa ako ng mapakla. "...
Hindi na kailangan Ivan.. Nasanay na akong wala ka." Mariing sabi ko.

"Pinilit ako ni dad na i-engage kay Nathalie. Hindi pa kami pwedeng ikasal sa ngayon kasi masyado pa kaming bata. Binantaan nya ako na kapag hindi ako pumayag sa gusto niya, tatanggalan niya ako ng mana. Okay lang sana kung ganun lang ang mangyayari kapalit sa pagpili ko sayo e, pero gagawin daw niyang miserable ang buhay mo. Pati na rin ang negosyo ng  magulang mo. Makapangyarihan ang daddy ko, Sam. Mahal na mahal kita at hindi nabawasan iyon sa nakalipas na anim na buwan. I choose to let you go rather than staying with you." Puno ng pagsusumamong wika niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina lang.

Ngayon ay naiintindihan ko na. All this time, pinag-isipan ko siya ng masama. Nakaramdam ako ng guilt.

"If you are engaged with Nathalie, then why you still want me back?" Tanong ko sa kanya.

"Is it wrong to be selfish because of love, Sam?" Balik-tanong nya sakin.

"... If it's wrong, then I'm willing to burn in hell just to be with you Sam. I love you and I'm willing to sacrifice everything just to be with you." Desperadong pagpapatuloy niya.

Agad akong umiling.

"No. You don't have to do that. Mga bata pa tayo Ivan. Marami pa tayong makikilalang tao na magbibigay sa atin ng mas higit pa kaysa sa pagmamahal natin sa isa't isa. I admit, I still love you but your plan was wrong.. You don't have to sacrifice your dreams just to be with me. kung tayo talaga ang para sa isa't isa alam kong ang Diyos na ang bahala. I'm sorry Ivan. Hanggang dito na lang siguro muna tayo." Sabi ko saka hinaplos siya sa pisngi.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko na agad kong ikinaiwas ng tingin sa kanya.

Ngumiti ito at alam kong nagpipigil lang siya ng luha..

That's Ivan.. He don't want others to see him cry. Mahihinang lalaki lang daw ang gumagawa nun, ayon sa kanya.

"Kung iyan ang gusto mo, sige. But meron sana akong gustong hilingin sa'yo."

Sinalubong ko ang mga titig nya saka ngumiti.

"Anything just for you Ivan."

"Can we still be friends?"

Ngumiti ako ng malapad saka tumango.

"Sure.. So friends?" Nilahad ko ang kamay ko.

Inabot nya iyon saka matamis ding ngumiti.

"Friends.."

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now