Samantha's POV
"Ivan..." Bulong ko.
What is he doing here? I thought He was studying in the school that they owned in Manila?
"You know him, Sam?" Tanong sa akin ni Ryle.
Bumaling ako sa kanya saka tumango.
"He's my ex." Sagot ko.
Bahagya siyang nagulat. Sino ba naman kasing hindi magugulat? Ang panget na tulad ko ay magkakaroon ng ex na tulad ni Ivan?
Bumaling muli ako sa unahan. It's been 6 months since nagbreak kami. Kamusta na kaya siya? Malamang masaya na siya sa piling ni Nathalie. Ang bagong gf nya. Ang babaeng pinalit niya sa akin. Tila may karayom na tumusok sa puso ko nang maisip ko iyon.
"Really? How come?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryle matapos ang ilang minutong pagkatulala.
"Basta. Mahabang kwento. Mamaya ka na magtanong." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Muli, ay bumaling ako sa unahan kung saan at sa pagkakataong ito ay nagtama na ang paningin namin ni Ivan.
Ngumiti ito.
"Good Morning Everyone! I'm Vanz Ivan Gonzales. 18 years old. Nice to meet you all." Pagpapakilala niya.
"Thank you, Mr.Gonzales. You may sit down wherever you want." Nakangiting sabi ni ma'am.
Nagkagulo naman ang mga kaklase kong babae kung saan ito uupo.
Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa unahan ko. Parehas kaming nasa tabi ng bintana.Pagkaupo niya, nag-umpisa na rin magklase si ma'am. Nakinig na lamang ako at hindi pinansin ang lalaking kanina pa nangungulit sa tabi ko.
--
*Lunchbreak*
"Uy, Sam panget, bakit kayo nagbreak?" kanina pang pangungulit sa akin ni Ryle.
Umiling lamang ako bilang sagot sa tanong nito. Wala ako sa mood para magkwento.
Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon.
"Kumain ka na lang muna dyan. Masarap 'tong lutong adobo ni mama oh!" Sabi ko sabay subo ng isang kutsarang punong-puno ng kanin sa bibig nya.
Napatawa ako nang malakas ng makita ang reksyon ni Ryle. Nabulunan ito at agad ko naman itong inabutan ng tubig. Nang mahimasmasan ito ay agad niya akong sinamaan ng tingin.
"May balak kabang patayin ako huh, Sam?" Sabi niya habang umuubo pa rin.
"Haha. Sorry na." Medyo natatawa pa ring wika ko.
He looked at me, still glaring.
"Sorry? paano na lang yung mga chicks na nagmamahal sakin, yung mga fling of the-- aray! Kanina ka pa ah!" Pagdradrama niya habang hinihimas ang parte ng ulong binatukan ko.
"Ang OA mo na kase." Pairap na sabi ko.
"Ang sweet niyo ah..."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...