Chapter 30

31 4 0
                                    

Ang bilis ng araw, January na. Apat na buwan na rin ang nakararaan simula nang mahulog ang loob ko kay Ryle at hanggang ngayon, nilalabanan ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa bawat araw na lumilipas.

"Anak! Si Ivan, nasa sala. Sinusundo ka." Sigaw ni mama mula sa baba. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto ko kaya madali ko siyang naririnig.

"Opo, ma. Bababa na po." Sigaw ko pabalik.

Pupunta kami ngayon sa bahay nina Ana. Ang class president namin, at the same time research leader namin. Halos araw-araw akong wala sa bahay dahil sa research at madalas din akong umuwi ng late, buti na lang naiintindihan nina mama at papa kaya hindi ako napapagalitan. Napagsasabihan minsan.

"Let's go?" Tanong ni Ivan. Pagkababa ko.

"Tara." Ngumiti ako sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan lagi si Ivan na handang magcomfort sa'kin sa tuwing nasasaktan at umiiyak ako nang dahil kay Ryle. Kahit pa may nararamdaman pa rin 'daw' siya para sa'kin. Hindi pa rin niya ako iniiwan.

Minsan nga, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi na lang ulit siya mahalin ng puso ko, bakit kung sino pa yung taong nandiyan na laging handang saluhin ako, i-comfort ako, gabayan ako, at mahalin ako, yun pa yung taong hindi magawang mahalin pabalik ng puso ko. Napaka-unfair ng mundo. Kung nadidiktahan lang ang puso, inutusan ko na ito na si Ivan na lang ang mahalin at hanggang kaibigan na lang ang ituring kay Ryle. Kaso hindi e, mahal ko si Ryle nang higit pa sa isang  kaibigan pero si Ivan mahal ko bilang isang kaibigan lang.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." Pukaw ni Ivan sa'kin.

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Ivan. Kasalukuyan kaming papunta kina Ana. May driver license na pala si Ivan, kakakuha niya lang kahapon. Kaya hindi kami nag-cocomute ngayon.

"A-Ahh wala. May naisip lang ako." Sabi ko.

Bumaling siya sa'kin saka muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Magfocus muna tayo sa research natin bago 'yang iniisip mo a?" May halong birong sabi niya.

Natawa ako. "Opo, boss." Pinikit ko ang aking mata. ".. Nakakainis naman kasi 'yang research na 'yan, e. Lagi akong kulang sa tulog at palagi akong lutang." Reklamo ko habang nakapikit.

Narinig ko siyang tumawa. "Hahaha. Ganyan talaga, nag-aaral tayo e." Natatawang sabi niya.

Tumawa na lang ako at hindi na sumagot.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa bahay nina Ana.
Pinapasok naman agad kami ng guard. Pagkapasok namin, naabutan namin sa sala ang mga kagrupo namin na sina Harold, Ryle, Mario, Daisy, Antonette, Angelica, at si Ana na busy sa pagtytype ng mga tapos ng i-revise sa laptop niya. Nandito rin si Nathalie na busy sa cellphone katabi ni Ryle. Hindi namin siya kaklase pero palagi siyang kasama sa mga bonding at paggawa ng school activities naming magkakaklase tulad na lang nito. Hindi naman siya nanggugulo kaya okay lang.

Umupo ako sa tabi ni Daisy saka kumuha ng papel at nagsimula ng magrevise.

Tahimik kaming lahat sa paggagawa ng research namin. Wala ni isang nagsasalita. Lahat ay abala sa kanya-kanyang trabaho.

Makalipas ang isang oras ay natapos na agad kami.

"Ay salamat! Natapos din!" Sabi ni Harold.

"Oo nga e, ang sakit ng likod ko kaka-type." Dagdag ni Ana.

"Videoke tayo, pres?" Anyaya ni Mario.

Nagsipag-ayunan naman ang lahat.

"Sige ako ang unang kakanta." Sabi ni Harold.

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now