Chapter 28

23 4 0
                                    

Matapos ang pag-uusap namin ni Nathalie ay wala pa rin si Ryle. Sampung minuto na ang lumipas nang matapos ang pag-uusap namin ni Nathalie ngunit wala pa rin siya.

Luminga-linga ako para hanapin siya ngunit hindi ko siya makita.

Nasaan na kaya 'yon?

"Sam..."

Akmang tatawagan ko na si Ryle nang marinig ko ang boses na iyon ni Ivan.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Look at me, Sam, please." Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niyang 'yon.

"May problema ba sa hindi ko pag-angat ng tingin sa'yo, Ivan? May mangyayari ba kapag hindi kita tiningnan? Magagawa ko namang sumagot sa'yo kahit hindi kita tapunan ng tingin a?" Iritadong tanong ko sa kanya.

Nagulat siya sa naging tanong ko. Pero agad din namang nakabawi.

"Galit ka pa rin ba sa'kin?" Sa halip ay tanong niya.

Umiling ako na ikinaliwanag ng mukha niya.

"Talaga? Hindi ka galit sa'kin?" Bakas sa mukha niya ang saya.

"Hindi. Pero naiinis ako sa'yo." Sa sinabi kong 'yon, nawala agad ang ngiti niya. "Mawawala lang ang inis ko sa'yo kung magsosorry ka kay Ryle. Naiintindihan naman kita kasi ganyan ka na mula pa noon, pero hindi naman tama na pati yung best friend ko, sasaktan mo ng ganun. Oo, sinigawan niya ako pero dapat inalam mo muna kung ano ang tunay na nangyari bago ka sumugod ng ganun. Salamat sa pagiging protective mo pero wag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko." Sabi ko.

"Sorry... Wag kang mag-alala, hahanapin ko si Ryle para makapagsorry ako sa kanya ng personal." Malungkot na sabi niya.

"Nandilim lang ang paningin ko nang makita kitang umiiyak. Ayaw kasi kitang nakikitang ganun. Ayokong may nananakit sa'yo. Ayokong nakikita kitang umiiyak. At ayokong sinisigawan ka ng ibang tao. Nasasaktan ako, Sam. Nasasaktan ako kasi yung taong mahal ko, ginaganun lang ng ibang tao." Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko. "Mahal pa rin kita, Sam. Mahal na mahal pa rin kita kahit alam kong iba na ang nasa puso mo. Pero pwede bang ako na lang ulit? Pangako, hindi na kita sasaktan, ipaglalaban kita anumang mangyari, mamahalin kita habang buhay, lahat ng gusto mo ibibigay ko sa'yo. Just let me, please.." May tumulong luha sa kanang mata niya pero agad niyang pinunasan iyon.

Kita ko ang sinseridad ng boses niya habang sinasabi niya iyon. Nananatili lang akong nakatitig sa kanya. Walang  salitang lumabas mula sa bibig ko. Kalaunan ay umiling ako.

"I'm sorry..." Nanubig ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim "... I can't. I fell in love with someone else. Hindi ko na kayang mahalin ka pa pabalik. Hulog na hulog na ako sa kanya. Hanggang kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa'yo, Ivan. Hindi ko alam kung paano ako nakamove on sa'yo. Basta nagising na lang ako isang araw na siya na pala ang mahal ko at hindi na ikaw. I'm sorry, Ivan. I'm sorry.." Napahagulgol ako ng iyak. "Sinubukan ko naman kasing pigilan pero siya pa rin talaga, e." Pagpapatuloy ko. Yinakap niya akong bigla at pinunasan ang luhang pumapatak sa mga mata ko.

"I know, I know and I understand. Minsan talaga sa buhay natin, kung sino pa yung taong hindi natin pwedeng mahalin, siya pa yung ginugusto ng puso natin. Kung sino pa yung nand'yan lagi sa tabi natin at handa tayong saluhin, siya pa yung binabalewala natin. Kaya tahan na, Sam. Tanggap ko na. Nagbakasakali lang naman akong na umamin, e. Pero kung sakaling masaktan ka nang dahil sa kanya at hindi mo na kaya, nandito lang ako. Isang kaibigan at isang taong nagmamahal sa'yo na handang saluhin ka anumang oras." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you for understanding me, Ivan. Thank you for loving me. Kahit na hindi na kita kayang mahalin pa pabalik, nand'yan ka pa rin para sa'kin. Salamat." Ngumiti ako sa kanya.

Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain nang abutan niya ako ng sandwich at juice.

"Ito na lang ang kainin mo. Alam kong nagugutom ka na. Wala ka na atang balak balikan pa ni Ryle. Nakita ko siyang hila-hila ni Nathalie kanina. Kaya naisipan kong bilhan kita niyan." Nakangiting sabi niya.

Biglang kumirot ang puso ko. Kaya pala, kasama niya si Nathalie. Ang babaeng mahal niya.

Isinawalang-bahala ko na lang ang kirot na naramdaman ko at pilit na ngumiti kay Ivan.

"Salamat." Sabi ko saka kumain.

***

Tahimik akong naglalakad sa Soccer Field. Umupo sa ilalim ng puno, pinagmamasdan ang mga naglalaglagang mga dahon mula sa puno at ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin. May isang oras pa bago magsimula ang klase namin sa Oral Communication. Vacant o off-period kasi namin ngayon.

"Mahal na mahal kita, Nathalie. 'Wag mo na akong saktan ulit huh? Hindi ko na kakayanin. Handa akong kalimutan ang ginawa mo sa'kin noon. Sana 'wag mo ng ulitin pa 'yon."  Napatulala ako nang marinig ko ang boses na iyon ni Ryle. Nasa likuran lang sila ng punong kinaroroonan ko.

"Pangako,Ryle. Hindi ko na uulitin 'yon. Thank you for giving me a second chance. I love you so much, Ryle." Bakas ang saya sa boses ni Nathalie.

Hindi na pala niya kailangan ang tulong ko.

Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko na nasundan pa ng isa, at isa pa, at hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Ang sakit.

Alam ko sa sarili kong tanggap ko na. Na wala akong pag-asa sa simula pa lang pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.

"I love you more, Nathalie."

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad palayo pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Ryle na,

"Let's start a new beginning, Nathalie."

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now