Chapter 31

34 4 0
                                    

"Ayoko na." Bulong ko. Ayoko ng mainlove sa best friend ko.. Masyado na akong nasasaktan...

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Napasubsob ako sa dibdib ni Ivan nang bigla niya akong yakapin. Pinipigilan ko pa rin ang pagtulo ng luha ko kahit na tumutulo na ito.

Ang hirap pigilan ng luha lalo na kung gusto na itong kumawala sa'yo at kumakawala na ito mula sa mga mata mo.

Agad kong pinunasan iyon saka humiwalay ng yakap kay Ivan.

"Sam, ayos ka lang?" Tanong ni Harold. Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"A-Ahh, oo naman. Napuwing lang." Pagsisinungaling ko.

"Ikaw naman ang kumanta, Sam. Tapos na si Ryle." Sabi ni Ana. Bakas ang excitement sa boses niya.

Tumango ako saka hinanap sa song book ang kantang gusto kong iparating kay Ryle. Siguro, sa ganitong paraan ko na lang ipaparating ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong umamin. Alam kong 'pag ginawa ko iyon, maaaring magbago ang lahat. Maaaring magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa kung sakaling gawin ko iyon. Ang masaklap pa, maaaring maging sanhi nito ang pagkasira ng pagkakaibigan naming dalawa. At ayokong mangyari iyon. Kung ang pagtago lang nitong nararamdaman ko para sa kanya ang paraan para hindi masira ang pagkakaibigan naming dalawa, handa akong gawin iyon kahit ikasakit pa ng damdamin ko. Handa akong magtiis... Kakayanin kong magtiis... Para sa kanya.

Nang makapili na ako, nakangiting inabot sa'kin ni Harold ang mic.

Bakit ba ikaw by: Michael Pangilinan

Napabuntong hininga ako nang magsimula na ang kanta.
Pagkatapos ng kantang 'to, sisimulan ko ng ibaon sa limot ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na mahirap, kakayanin ko.

Mula ng aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Totoo, hindi naman talaga naaawat ang puso, oras na magmahal na ito. Kahit anong pilit kong alisin ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko magawa. Wala e, minahal ko na siya ng sobra... Kahit anong gawin kong pagtigil sa pagmamahal sa kanya, mas lalo ko lang siyang minamahal. Pero, hindi ako papatalo. Lalaban ako.. Kahit ano gagawin ko makalimutan ko lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya hanggang sa kaibigan na lang talaga ang maging turing ko sa kanya.

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala ka
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat ang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

I want to blame my heart to fell in love with Ryle but I can't... Nagmamahal lang naman 'to e. Sa maling tao nga lang. Para sa'kin, maling mainlove sa best friend... Kasi sa lahat ng ginagawa niya sa'yong maganda, magkakaroon ng malisya 'yon sa'yo samantalang sa kanya, normal lang iyon dahil magkaibigan kayo.

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now