Ivan's POV
Napatigil ako sa pagstrum ng gitara nang makita ko si Harold na tumatakbo palapit sa akin.
"Vanz! S-Si Samantha nasa room umiiyak." hingal na sabi nito.
Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko.
"Bakit daw?" may halong pag-aalang tanong ko.
"Nasigawan siya ni Ryle.." sagot niya.
"ANO!?"galit na sigaw ko.
Kinuwento sa akin ni Harold ang nangyari.
Nanggigil ako at walang sabi-sabing umalis at nagtungo sa room namin.
Pagkarating ko sa room ay nakita ko ang nagkukumpulang mga kaklase ko, biglang nandilim ang paningin ko ng makita si Samantha na tulalang umiiyak.
"Samantha! Ayos ka lang ba?
"H*yop ka! Sino ka para sigawan si Samantha? Ano bang masama sa pagtatanong huh!? Bakit ganyan ka?" galit na sigaw ko sa kanya saka siya pinagsusuntok.
I was pissed. Masyado na niyang nasasaktan si Samantha. Alam kong unti-unti nang nahuhulog si Samantha sa lalaking 'to. Sinundan ko ito dahil nainip ako kahihintay noong araw na nasa soccer field kami at nagpaalam siyang mag-ccr siya. Nakita ko kung papaano maglandasan ang mga luha mula sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ni Ryle na mahal pa nito si Nathalie. Maging ako ay nasaktan din. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan si Samantha. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang babaeng mahal na mahal ko.
"Awatin niyo sila." dinig kong utos ni Anna. ang presidente ng klase namin.
Agad namang nagsisunuran ang mga kaklase kong lalaki. Hindi ako nagpatinag. Patuloy pa rin ako sa pagsuntok kay Ryle.
"Stop!" awtomatikong napatigil ako sa pagsuntok kay Ryle nang marinig ko ang maawtoridad na boses.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino iyon.
"A-Ate?"
****
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...