"A-Ate?" wala sa sariling sambit ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama saka bumaling sa mga kaklase kong umaawat sa akin kanina.
"Dalhin si Mr.Ortillo sa Clinic, now!" utos niya saka muling bumaling sa akin. "And you, follow me." walang emosyong sambit niya.
Tumango na lang ako bago ko lisanin ang room, bumaling muna ako kay Ryle na kasalukuyang binubuhat ng mga kaklase ko. Nawala bigla ang inis at galit ko at napalitan iyon ng awa. Look what you've done Ivan! Muntik mo na siyang mapatay, nawalan ka na naman ng kontrol sa sarili mo. bulong ng isip ko.
"RYLE!" dinig kong sigaw ni Samantha nang makita na bugbog sarado si Ryle, tila natauhan na ito mula sa pagkatulala. Dali-dali siyang sumunod sa mga kaklase kong bumuhat kay Ryle patungo sa Clinic.
"I SAID FOLLOW ME IN MY OFFICE NOW!" Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang sigaw ni ate.
Tahimik akong sumunod sa kanya at hindi pinapansin ang mga nanlalakihang mga mata ng mga kaklase ko.
**
Samantha's POV
Natauhan ako nang makita ko si Ryle na bugbog sarado nang dahil kay Ivan. Agad akong sumunod sa Clinic. God, sana ayos lang siya.
Ivan lost control to his anger again. Napahamak si Ryle nang dahil sa kanya.
"Kamusta na po siya?" tanong ko sa nurse matapos niyang gamutin ang mga sugat na natamo ni Ryle.
"Ayos lang naman siya. Pasa at galos lang ang natamo niya na hindi naman ganung kalala. Gigising na rin siya maya-maya, nawalan lang siya ng malay dahil sa bugbog na natamo niya. Kailangan lang niya ng pahinga." wika niya.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Thanks God, He's okay.
"Salamat po. Pwede po ba akong mag-stay dito? babantayan ko lang po si Ryle." paalam ko sa kanya.
"Pwede naman kaso paano ang klase mo? may klase ka pa, ah?" sagot niya.
"Okay lang po. Makakahabol naman po ako sa lesson namin, e." nakangiting sagot ko.
Gusto kong mag-stay dito. Gusto kong bantayan si Ryle. Gusto kong sa pagmulat ng mga mata niya, ako ang bubungad sa kanya.
"Sige kung iyan ang gusto mo. Balikan ko nalang kayo mamaya." paalam niya saka umalis.
Pagkaalis niya, muli akong bumaling kay Ryle at umupo sa tabi niya. Agad namang nanubig ang mga mata ko nang makita ko ang kalagayan niya.
"I'm sorry, sana hindi na lang kita kinulit edi sana hindi na umabot pa sa ganito. Hindi na nagalit si Ivan. Kilala ko yun, ayaw nun na makikita akong umiiyak. Sorry, kasalanan ko ang lahat. sorry Ryle, sorry." Hinawakan ko ang kamay niya saka napahagulgol. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Kung hindi kasi dahil sa'kin, hindi sana mangyayari ito.
"Wala kang kasalanan..."
***
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...