Pagbalik ko sa clinic ay naabutan ko ang gising na palang si Ryle. Nakaupo ito at seryosong nakikipag-usap kay Nathalie.
"Ngayong nakita mo nang okay ako, pwede ka ng umalis." Malamig na wika niya kay Nathalie.
"Please Ryle, hayaan mo naman akong alagaan ka." Pagmamakaawa ni Nathalie.
Bumaling si Ryle sa kinaroroonan ko saka muling bumaling kay Nathalie.
"No need. Samantha can take care of me." Malamig pa ring wika niya.
Bumilis ang tibok ang puso ko sa sinabing iyon ni Ryle.
"But, Ryle, please let me." Pangungulit ni Nathalie.
"Please, Nathalie, just go. Mas gusto kong alagaan ako ni Samantha kaysa sa'yo. Makakaalis ka na." Walang emosyong wika niya.
Bumaling sa'kin si Nathalie, nangungusap ang kanyang mga mata na tila sinasabing ako na ang bahala kay Ryle at alagaan ko siyang mabuti. Tumango ako rito saka tipid na ngumiti.
Nang umalis na si Nathalie ay bumaling ako kay Ryle saka niyakap siya ng mahigpit.
"I'm glad, you're safe." Masayang sabi ko.
"A-Aray, S-Samantha, m-masakit pa ang mga sugat ko." Nahihirapang wika niya.
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap at nakangiting humarap sa kanya.
"I'm sorry. Bati na tayo, please? " Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Makakaya ko bang tiisin ang best friend kong pangit na gaya mo? At saka deserve ko 'yon, nasigawan kita na hindi naman dapat nang dahil lang sa problema ko sa mama't papa ko..." bahagyang lumungkot ang kanyang mukha "...Sorry bespren huh?" Panghihingi niya ng tawad.
Nakangiting tumango ako.
"Pareho tayong may kasalanan, Ryle, kung hindi lang kita kinulit, hindi mo sana ako nasigawan. Kalimutan na lang natin ang nangyari huh? Basta sa susunod, magsabi ka ng problema mo. Ano pa't naging bespren mo 'ko? Walang magbespren ang nagtatago ng sikreto sa isa't isa." Pangaral ko sa kanya.
"Opo." Natatawang sabi niya.
"At saka sana mapatawad mo si Ivan sa nagawa niya sa'yo. Ganun kasi siya e, ayaw na ayaw niya akong nakikitang umiiyak lalo na at ibang tao ang dahilan. Hindi niya nagagawang kontrolin ang galit niya, nagsisisi na lang siya 'pag kumalma na siya." Malungkot na sabi ko.
"Okay lang. Napatawad ko na siya. Deserve ko naman 'tong nangyari sa'kin e." Nakangiting wika niya.
**
IVAN'S POV
Matapos ang pag-uusap namin ni ate, nagtungo ako sa room namin para umattend ng klase.
Pagkarating ko sa room, wala si Sam. Marahil inaalagaan niya ngayon si Ryle.Buong klase ay nakatingin lang ako sa bintana at tulalang nakamasid sa ibaba. Mula dito ay natatanaw ko ang clinic kung nasaan marahil naroroon si Samantha at Ryle. At tama nga ako, natanaw ko sila mula rito nang lumabas sila sa clinic na nagtatawanan. May parte sa puso ko ang kumirot. Tanggap ko na, magkaibigan na lang talaga kami ni Sam. Napalitan na ako sa puso niya, alam kong si Ryle na ang tinitibok 'non at hindi na ako. Pero hindi ibig sabihin 'non ay susuko ako sa pagmamahal kay Samantha. Mamahalin ko pa rin siya ng patago at ipaparamdam ko pa rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, baka sakali kasing mahalin niya ulit ako tulad ng dati.
Napatitig ako sa kanilang dalawa, ang saya nilang tingnan at heto naman ako lihim na nasasaktan. Napangiti ako ng mapait at napatitig kay Ryle.
"Maswerte ka dahil mahal ka niya."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...