Samantha's POV
"Papa.." Kusang tumulo ang luha ko nang lingunin ko si papa. God knows how much I missed him.
"Anak.." Niyakap niya ako nang mahigpit.
It's been 5 years nang huli kaming magkita ni papa. I'm just 12 years old that time.
"I missed you papa." Umiiyak na sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito saka ako hinalikan sa noo.
"I missed you too anak. Pasok na tayo sa loob?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
--
"You've changed a lot Sam. May boyfriend ka na ba?" Tanong sakin ni papa.
Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon.
"Wala po pa. Wala pa po sa isip ko yan." Sagot ko.
"Sus. Parang kanina lang may dinala siyang lalaki dito sa bahay." Singit ni mama.
Napapailing na lang talaga ako dito kay mama. Ang hilig kasing sumingit.
"Mama! We're just bestfriend!" I said asphyxiatedly.
"Talaga ba? What's his name anak? Gwapo? Mayaman? Mabubuhay ka ba niya?" Pang-iintriga ni papa.
"Papa!" Inis na sigaw ko. Nakakainis kasi kung anu-ano pinag-iisip.
Napatawa naman sila.
"Anak, We're just kidding. Napakadefensive mo naman masyado." Natatawang sabi ni papa. Natawa na lang din si mama.
Napapailing na napangiti na lang ako
Hays, napakakulit talaga nila.
--
*Kinabukasan*
Pumasok ako nang maaga sa school. May activities at seatwork pa kasi akong kailangang tapusin na hindi ko nagawa kagabi. Nagbonding kasi kami nina mama at papa kagabi.
Nang matapos kong tapusin ang activities at seatwork ko ay saktong dumating naman si Ryle kasabay ng teacher namin. Mukhang wala ito sa mood.
"Good morning, class." Bati sa amin ni Ms. Jo.
"Good morning ma'am." Balik-bati namin sa kanya.
Binalingan ko si Ryle na nasa tabi ko.
"Uy, anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya lang ako at muling bumaling sa unahan.
Mukha ngang wala siya sa mood.
"Class. You have a new classmate. Let's welcome him. Come In, Mr. Gonzales, please introduce yourself."
Pumasok ang isang gwapong lalaki. Nanlaki ang mata ko nang mapagsino iyon.
"Ivan.."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Ficțiune adolescențiSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...