Tahimik akong naglalakad patungo sa isang bench sa soccer field. Vacant naman namin ngayon kaya okay lang na tumambay muna ako. Pagkaupo ko, nag-umpisa na akong magbasa ng paborito kong libro. Bentang-benta talaga sa'kin ang tagline ng libro na, "Once you enter, there's no turning back."
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may biglang humablot ng libro ko. Inis kong tiningala iyon. Ang ayoko sa lahat ay iyong iniistorbo ako sa kalagitnaan ng pagbabasa ko.
Sa pagtingala ko, nakita ko ang babaeng nakataas ang kilay na mukhang clown na muntik ng sumampal sa akin noon. Kasama niya ang limang nag-aartehang babaeng tulad niya rin ay mukhang clown.
"Lalaban ka?" Taas kilay ngunit nakangising wika niya sa'kin.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay pilit kong kinukuha sa kanya ang librong binabasa ko.
Hays, bakit ba kasi akong pinanganak na maliit?
"Ayan ang problema sa mga pandak e, hindi makaabot, hahaha." Pang-aasar niya. Nakitawa na rin ang mga kaibigan niya.
"Akin na yan. Ayoko ng gulo, please." Kalmadong sabi ko.
I know how to defend myself because my father taught me when I was a child. Ayoko lang talaga silang patulan. Sayang effort.Nagkatinginan silang magbabarkada saka nagsipagngisian.
"Abutin mo muna." Sabi niya habang tinataas pa ang libro ko.
Nakakainis na ahh.
"Stop acting like a child, b*tch. Masyado ka ng damulag para maging bata." inis na sabi ko sa kanya.
Nagsipagtawan naman ang mga kasama niya. Namula ito sa inis.
"Anong sabi mo? Aba't sumasagot ka na ngayon huh?" sabi niya saka ako sinabunutan.
Lalaban na sana ako pero biglang may nagsalita.
"Hanggang ngayon pa naman, war freak ka pa rin Margarette." Napabitaw si Margarette sa pagsabunot sakin sa'kin ng marinig ang boses na iyon.
"Ryle...."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Ficção AdolescenteSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...