Chapter 14

48 4 0
                                    

Masaya ako dahil naging magkaibigan ulit kami ni Ivan sa kabila ng lahat ng nangyari. Kung galit ako noon sa kanya nang dahil sa pag-aakalang pinagpalit niya ako sa iba, ngayon nagpapasalamat ako dahil ginawa niya iyon, hindi lang ako nagpapasalamat kasi ginawa niya iyon para sa kapakanan ko kundi dahil sa kapakanan na rin ng pamilya ko. Alam ko kung gaano kahalaga kay papa ang negosyong iyon. Pamana pa iyon ng lolo ko sa tuhod at pinaghirapan ni lolo iyon ng maigi. At saka, ayokong suwayin niya ang pamilya niya dahil lang sa pagmamahal niya sa'kin, kahit na sabihin niyang handa niyang isugal ang lahat ng meron siya para lang sa kaligayahan naming dalawa. Mga bata pa kami. Marami pa kaming makikilalang iba na maaaring mahigitan pa ang pagmamahal na ibinibigay namin sa isa't isa.

"Psst.." Napabalik lang ako sa reyalidad dahil sa tawag sakin ni Ryle.

Kasalukuyan kaming nagklaklase sa subject naming 21st Century Literature.

Nilingon ko siya.

"Anong nangyari sa inyo ni Ivan kanina? Anong pinag-usapan nyo?" Tanong niya.

"Ipinaliwanag niya kung bakit niya ako iniwan saka magkaibigan na ulit kami." Sabi ko saka muling bumaling sa unahan saka nakinig sa mga sinasabi ni ma'am.

"Ano!? Nakipagkaibigan ka sa g*gong yun!?" Gulat at pagalit na tonong wika niya.

"Oo. At bakit ba parang inis na inis ka sa kanya?" Iritang sabi ko.

"Kasi g*go siya!" pagtataas niya ng boses.

Nagulat ako at natahimik sa biglang pagtataas niya ng boses.

"Mr. Ortillo, Ms. Arcellana! Is there something wrong? Bakit nag-aaway kayong dalawa?" Sigaw ni ma'am Mercado na guro namin sa subject na ito.

"Wala po, ma'am." Ako na ang sumagot saka tumahimik muli.

Ano bang nagawa ni Ivan sa kanya at bakit galit na galit sya rito?

"I'm sorry." Paghihingi niya ng tawad.

Tumango na lang ako saka tipid na ngumiti.

----

*Dismissal Time*

"Sam, sorry ulit kanina huh? Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses." Ani Ryle habang naglalakad kami pababa ng building.

"Oo na. Pangsampung ulit mo nang sabi yan e." Natatawang sabi ko.

"Haha. Sorry ulit." Natatawa ring wika niya.

"Inulet!" Biro ko na nagpatawa saming pareho.

"Patambay sa inyo? Miss ko na luto ni tita e." Pagpapacute niya. Nakatulis na naman ang nguso nito.

Ngumiti ako.

"Tara. Gusto ka ding makilala ni papa."

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now