"Pare, Si Sam, oh!"
"Siya na ba talaga 'yan?"
"Witwew.."
"Hi Sam. Ang ganda mo na a."
Hindi ko na lang sila pinansin. Bumalik na kasi ako sa kung paano ako mag-ayos dati. Sabi kasi ni mama, ibalik ko raw yung dating ayos ko sa sarili ko. Wag na daw akong magsuot ng makapal na salamin at mahabang palda. Ayos na raw yung hanggang tuhod. Dalaga na raw ako kaya kailangan ko na ring umasta na dalaga. Pumayag ako sa gusto ni mama. Tama naman kasi siya, dalaga na ako at dapat akong umasta bilang dalaga. At isa pa, wala nang dahilan para magmukha pa akong manang. Ayos na naman kami ni Ivan e. Simula kasi noong maghiwalay kami, ningudngod ko na ang sarili ko sa pag-aaral at hindi ko namalayan na sanay na pala akong magsuot ng makapal na salamin at mahabang palda. Yun na rin siguro ng dahilan kung bakit nila ako nilalait ng nilalait noon. Siguro ay nagsawa na sila kaya hindi na nila ako nilalait ngayon. At si Margarette? Ayun! Nakakita nang bagong kukuntiryahin kaya siguro ay tinigilan na si Ryle.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Ryle na may hinalikang babae at matagal iyon. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang biglang pagkirot nito. Alam kong pamilyar pero mas pinili ko na lang na 'wag pansinin. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon. At masasabi kong hindi ko ito gusto.
"Samantha!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Nilingon ko iyon at nakita ko ang ngiting-ngiting mukha ni Ivan.
"Para sayo.." inabot niya sakin ang isang malaking toblerone. "... Umuwi kasi si ate galing States kagabi at may pasalubong na ganyan, naisip kita agad so naisipan kong bigyan ka." aniya na nakapagpalawak lalo nang ngiti ko.
"Salamat." Buong pusong sabi ko.
Sabay kaming pumasok sa room namin at as usual nakatitig na naman ang mga kaklase kong lalaki sa'kin at ang mga kaklase kong babae naman ay nanlilisik ang matang nakatingin sa'kin.
"Mas lalo kang gumanda ngayon, Sam." bulong sa'kin ni Ivan bago pa ako makarating sa upuan ko.
"Salamat..." Nakangiting wika ko.
"...At tama na ang pambobola please, baka lumaki na ang ulo ko n'yan." biro ko na ikinatawa naming pareho."Wow Sam! Nagmukhang tao ka na! Congrats." napawi ang ngiti ko nang marinig ang boses na iyon ni Ryle.
Nakaramdam ako nang inis dahil bukod sa nakita ko kanina ay naiinis pa rin ako sa pangtritrip nito kagabi.
"Heh! Tumigil ka. Huwag mo akong kausapin. Bwisit ka!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry na.." Malambing na wika nito.
"Che! Lumayo ka baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Kunwaring pagmamatigas ko.
Ganito kami lagi 'pag nagkakatampuhan kami. Siya ang laging sumusuyo sa akin kahit na minsan ako ang may kasalanan.
"Bati na tayo please." Pagmamakaawa niya. "Libre kita Ice cream mamaya." Pangsusuhol niya.
Napanting ang tainga ko. Gusto ko iyon at alam niya talagang kahinaan ko ang ilibre ako. Sumigla akong bigla.
"Oo na! Libre mo ko, huh? Gusto ko one galon!"
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...