"Nathalie?" Wala sa sariling sambit ko.How come? Bumalik na siya? Ano kaya ang relasyon niya kay Ryle? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.
Maraming tanong ang biglang bumagabag sa akin nang makita ko silang dalawa na magkasama.
Hindi makapaniwalang umiling si Ryle.
"Hindi mo kayang suwayin ang papa mo pero pinagpalit mo ako kay Ivan? Sa dating barkada ko pa? Naglolokohan ba tayo dito, Nathalie? Niloko mo na ako noon. Niloko niyo na ako noon, siguro naman may puso ka pa para wag ng ulitin pa iyon." Mariing wika ni Ryle kay Nathalie.
Magkabarkada sila Ryle at Ivan noon? Teka, ang gulo.
"Look, I'm sorry for breaking your heart, Ryle. Pinilit nila ako na i-engage kay Ivan kahit hindi ko gusto. Pero wala akong magawa kundi ang sundin si papa. Alam mo kung gaano ako katakot 'don. Marami siyang kayang gawin, Ryle. Ngayon, handa na akong suwayin si papa para sa'yo. Alam kong mahal pa rin ni Ivan si Samantha at alam kong sasang-ayon siya kung aatras ako sa arrange marriage namin. So, give me one more chance, please." Paliwanag ni Nathalie. Umiiyak na ito ngunit hindi nagpatinag si Ryle.
"Even you say sorry a hundred times, you know that it will never fix my broken heart, Nathalie. Sinaktan mo na ako e. Hindi gamot iyang sorry mo. Inaamin ko mahal pa rin kita pero hindi ko hahayaang suwayin mo ang papa mo nang dahil sa akin. We're too young. Maybe it is not the right time for this, Nathalie. Don't be selfish. Pareho lang natin sasaktan ang isa't isa." sabi ni Ryle.
Ito rin ang saktong sinabi ko kay Ivan, noon. Ang huwag suwayin ang papa niya.
Kumirot na naman ang puso ko. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha mula sa isang mata ko.
Napangiti ako ng mapait. Alam ko na ang sagot kung bakit ako nagkakaganito. Tuluyan na nga akong nahulog sa best friend ko. Pero, nahulog na ako sa kaibigan ko noon, hahayaan ko ba itong mahulog muli sa ikalawang pagkakataon?
Napailing ako sa sarili kong naisip.
"Don't let yourself, Sam. Masasaktan ka na naman."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Ficção AdolescenteSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...