Chapter 22

40 4 0
                                    

Masaya ako kasi maayos na ang lahat. Okay na kami ni Nathalie. Wala na rin ang inggit na nararamdaman ko sa kanya. Ang sarap sa feeling.

Nakangiti akong pumasok sa room. Binati ko ng 'good morning' ang mga kaklase ko. Pagkarating ko sa upuan ko ay bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Ryle.

"Oh, bakit ganyan mukha mo? Ah, hulaan ko? Nabasted ka no?" Biro ko sa kanya.

He glared at me.

"It's not of your business Sam. Please leave me alone o di kaya wag kang mangulit kahit ngayon lang, wala ako sa mood makipagbiruan." Malamig na wika niya.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

"Nagbibiro lang ako Ryle, masyado ka namang seryoso." Biro ko ulit. Pilit na pinapangiti siya. Pero hindi, imbis na mapangiti ko siya, sinamaan niya ulit ako ng tingin. At hindi ako nagpatinag. Hindi ito ng Ryle na kilala ko. Hindi ito best friend kong masayahin at mapang-asar. Masyadong maganda ang mood ko mula kahapon kasi nagkaayos na kami ni Nathalie, gusto ko siya rin.

"Please, Sam, kahit ngayon lang, wag ka munang mangulit o makipagbiruan sa akin. Wala talaga ako sa mood ngayon. Kung ikaw maganda ang mood mo, ako hindi." mas lalong lumamig ang tono ng pananalita niya.

Still, hindi pa rin ako nagpatinag. Makulit na kung makulit. Ayokong nakikitang ganito si Ryle. Alam kong may problema siya.

"May problema ba, Ryle? Tell me. Nandito lang ako. Ano pa't naging kaibigan----"

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI, SAM!? SINABI KO NAMAN SAYO NA WALA AKO SA MOOD MAKIPAG-USAP DIBA!? ANO BANG MAHIRAP INTINDIHIN DUN!?" Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako sa naging pagsigaw niya. Natulala. Hindi ko akalain na magagawa akong sigawan ng best friend ko. Maging ang mga kaklase namin ay nagulat din sa naging pagsigaw niya. Hindi ko namalayan na nag-uunahan na palang maglandasan ang mga luha sa mga mata ko. Kasalanan ko rin naman kasi, ang kulit-kulit ko kaya heto, nasigawan tuloy ako. Gusto ko lang naman kasi siyang tanungin kung anong problema niya e. Gusto ko lang siya bigyan ng advice.

"Samantha! Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sabi ni Ivan.

Nananatili lang akong nakatayo at umiiyak. Hindi ko magawang awatin sila. Nasaktan ako, tulala. Hindi ako makahakbang para awatin sila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"H*yop ka! Sino ka para sigawan si Samantha? Ano bang masama sa pagtatanong huh!? Bakit ganyan ka?" Galit na wika ni Ivan at pinagsusuntok si Ryle.

"Ayos ka lang ba, Sam?" Tanong sa akin ni Ana, ang isa sa mga kaklase ko. Presidente ng klase namin. Tumango ako bilang sagot dito. "Awatin niyo sila!" Utos niya sa mga kaklase kong lalaki.

"Stop! "

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now