Uwian na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Ryle. Ewan ko ba rito, bigla na lang hindi namamansin.
"Uy, bakit ba ang tahimik mo? Nakakapanibago huh?" Sita ko kay Ryle.
"Wala." Nakabusangot na mukhang sabi niya.
Napatawa ako, dahilan para tumingin siya sa'kin.
"Pfffft. Alam mo nakakatawa kayo ni Margarette panoorin kanina, para kayong nasa teleserye." Natatawang sabi ko.
"Tsk. Tumigil ka nga. Tara na, patambay sa inyo. Namiss ko yung luto ng mama mo na lagi mong binabaon." sabi niya sabay hila sakin.
"Oy, ano ba! Wait nga lang! Excited e. Kakakain mo nga lang ng baon ko kanina namiss mo agad yung luto ni mama." Reklamo ko sa kanya.
"Syempre, masarap magluto ng mama mo e. Ipakilala mo naman ako sa kanya." Anyaya niya sa'kin.
"Oo na. Tara na. Ang kulit mo." Natatawang sabi ko.
"Ayieeee! Kinilig naman ako." Parang baklang sabi niya.
"Para kang bakla, umayos ka nga." Pambabara ko sa kanya.
"Ang gwapo ko namang bakla. At saka baka umiyak kayong mga babae kung sakali ngang bakla ako. Halikan kita dyan e, makita mo." Sabi niya sabay palapit ng palapit sakin.
"Don't you dare, Ryle. Mapapatay kita." Pangbabanta ko sa kanya na ikinatawa na lang niya.
"Huwag. Mababawasan ang mga gwapong nilalang sa mundo. Endangered species na lang kami." Ngingising ngising sabi niya.
"Yuck! Mahiya ka nga! Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo?" Kunwaring inis na sabi ko.
"Asus. Totoo naman kasi ang sinasabi ko." Pang-aasar niya.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga, bago pa tayo tangayin ng hangin dito, pumunta na tayo sa bahay." Sabi ko saka umuna nang maglakad.
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...