Chapter 2 {Escape}

3.3K 84 0
                                    

Chapter 2: Escape

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-Third Person's POV-

Mabilis na nakarating ang sasakyan ni Gideon sa bukasan ng Gate 1 ng Diabolic Academy. Binaba niya ang bintana ng kanyang kotse at sumenyas kay Henry na nagbabantay rito.

Agad siya nitong pinagbuksan sa unang gate at pati na rin sa pangalawa. Kahit pagod siya sa kakabyahe ay hindi niya alintana ang kapaguran. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makita na si Elena. May pag-uugali kasi ang dalagita na mahirap ipaliwanag.

Lubos niyang alam ang mga nagaganap sa paaralang kanilang papasukan. Mas pinabilisan na niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Sa kabilang dako kung saan nagsama-sama ang sampung kataong may mataas na antas sa paaralan ay naghahanda na sila sa kanilang binabalak sa bagong dating na estudyante.

"Ako na lang ang susuri sa kanya huwag na kayong sasama."- wika ni Ram na mas angat sa kanilang sampu maski na rin sa lahat ng estudyante na nag-aaral dito.

"What? Why?"- pagtatakang tanong ni Jay rito.

Hindi kumibo si Ram kaya nagtatakang napatingin ang mga ito sa kanya.

"Ram, you know that its the rule of this school that we should, the five of us should examine her."- tinig naman ni Jed.

"I know."- tipid nitong sagot sa kanila. "But for now. I'm just the only one to examine her. No more questions."- akmang aalis na siya ngunit bigla itong napatigil dahil sa narinig niya mula sa isa pa niyang kasamahan.

"Your suspicious you know that?"- tinig ni Sib. Ito ang pumapangalawa sa kanya.

"Yeah.."- segunda ni Dos.

Napaharap sa kanila si Ram. Nakipagtitigan sa kanya si Sib. Tila binabasa siya nito kahit may suot pa silang maskara na halos takpan ang buo nilang pagmumukha.

"Come on, Ram. Don't be so selfish. Gusto mo lang yata makita ng solohan ang babaeng 'yon."- sambit ulit ni Jay.

Tahimik lang muna si Ram ng ilang sandali pero kalaunay napagdesisyonan na nilang lima na puntahan na ang babaeng nasa isang silid samantalang naiwan naman sa labas ang limang babae na kasamahan nila.

"Hmm... Sana may lalaki namang dumating para may masuri rin tayo."- wika ni Marie sa kanyang kasamahan. Halatang nababagot ito.

"Marie, I'm warning you. Huwag mong unahin yang pagkasabik mong makakita ng dugo."- tinig ni Mesha.

"Why? Masama bang makita ko ang hilig ko?"- suplada nitong tugon.

"Just stop what you wanted to do. Okay?"- sambit ni Cristal rito.

"Tsss..! Mga takot lang kayo kaya niyo ako pinipigilan."- tugon nito.

Nagsukatan ng tingin ang mga babaeng hindi magpapatalo. Nag-aalerto na sila sa pepwedeng mangyaring labanan. Kung may unang lalaban hindi nila ito a'atrasan.

"Ahh..! I forgot my milk!"- tila bumagsak ang mga balikat nilang apat sa tinuran ni Honey. Napa'smirk si Marie at napailing sa dalagita.

Inuna pa talaga nito ang gatas. 'Di ba niya pansin na seryoso na ang nagaganap?

"Seriously?"- di makapaniwalang tanong ni Marie.

Mahilig talaga si Honey sa gatas. May pagkaisip bata kasi ito.

"Just a minute. I'll be right back. I will just get my milk."- paalam ni Honey sa kanila.

Naiwan silang apat kaya hindi na nila natuloy kung ano man ang binabalak nila. Umalis na lang din sila kalaunan.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon