Chapter 5 {New Ally}

3.1K 72 0
                                    

Chapter 5: New Ally

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMA'S POV-

"Hmmm...!!!"- impit ko.

Sisikuhin ko na sana ang taong nasa likuran ko para makawala na ako sa kanya kaso bago ko pa matuloy ang binabalak ko, dahan-dahan na niyang nilalayo ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.

Nang tuluyan na niya akong binitawan agad ko siyang hinarap para makita ang pagmumukha niya pero...

Madilim..

'Di ko makita ang itsura niya!

*Click!

Bumukas ang mga ilaw dito sa loob. Kita ko agad ang taong nagdala sakin dito sa silid. Nasa may switch pa ng ilaw ang kanyang mga daliri habang nakangiti siyang nakaharap sakin.

Isa pala siyang babae...

"Hi.." -nakangiting bati niya sakin.

De'deadmahin ko na sana siya kaso mas pinili ko na ring alamin kung sino siya.

"Sino ka?"- diretsong tanong ko sa kanya. Humakbang siya papunta sakin habang nangingiti pa rin.

"I'm Honey Vidal Laurel. Just call me by my name."- aniya.

Sinuri ko ang kabouan niya. May katangkaran siya at may payat na pangangatawan. May pagkakulot ang kanyang blackish hair. Katamtaman ang kasingkitan ng kanyang mata at maputi siya.

Hula ko sa kanya..

Isa siyang Chinese.

Isang chinita na maganda. Pero.. sa tingin ko rin ay isa siyang makulit na babae. Ramdam ko kasi sa presensya niya.

"Sinusuri mo 'ko noh?"- sabi niya. Panay pa rin ang ngiti niya.
Mapanuri din pala siya kagaya ko.

"Yeah.. Pero ano bang kailangan mo sakin bakit dinala mo 'ko dito?"- tanong ko.

"Ahh.. Niligtas lamang kita."- siya.

Huh? Niligtas?

I don't think so?

"Alam ko naman na bago ka lang dito kaya hindi mo alam ang mga patakaran na nandito pati na rin ang mga pag-uugali ng mga tao."- paliwanag niya na hindi ko naman maintindihan.

"So?"- tanging nasabi ko.

"Nakita kita kanina na nagtatakbo kaya sinundan kita kaso nung lumiko ka at habang ako'y nakasunod sayo. Nakasalubong mo si prince Charles. Kapag nagkataon na nakita ka agad ng mga bantay niya paniguradong tigok ka na."- aniya.

Ano? Tigok? Agad-agad?

Ni hindi ko nga siya hinawakan eh.. Sadyang nakasalubong ko lang ng hindi sinasadya.

"Mahigpit kasing pinagbabawal na lapitan siya ng mga tao kahit pa kaming estudyante rito na halos kapantay na siya sa buhay. Ah.. you know, "riches". - pinaikot niya ang kanyang mata nung binanggit niya ang "riches".

Parang ayaw niyang banggitin ang pagiging mayaman.

"At saka, kapag nakita ka rin ng mga estudyante sa ganong tagpo mas lalo kang pag-iinitan. Ikaw pa lang kasi ang nakalapit sa prinsipe ng ganon dito. Mamamatay sa inggit ang mga tao kapag nangyari 'yon."- paliwanag pa niya.

"So, you need to thank me dahil niligtas lang kita sa tiyak na kapahamakan."- proud pa siya habang sinasabi ang katagang yon.

"Ahh.. Ok.. Salamat kahit hindi ko naman talaga kailangan ang tulong mo."- walang ganang sabi ko.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon