Chapter 45 {Lord RAM'S Side}

1.2K 26 0
                                    

Chapter 45: Lord RAM'S Side

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMA'S POV-

"Mom, kung hindi ka lang nakuha ng mga baliw nating kalaban.. edi sana.. Malaya kaming nagmamahalan ni Sib. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Sana hindi na lang pala ako nagmahal kung sa sarili ko lang palang kapatid ako mapupunta. Ang saklap talaga kapag ganito ang nakaugalian sa'ting bayan."- naluluhang sabi ko habang nakatulala sa kawalan.

It's now my weeding day and I'm not really happy. Nandito na rin ako sa China at naiwan ang mahal ko at ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.

Wondering why I'm getting married to my dear half brother?

Well.. Ganito ang nakaugalian sa bansa namin. Dahil napakahalaga ang pagiging maharlika ay ayos lang sa isang Emperor na ang mapangasawa niya ay kamag-anak lang niya basta ang estado nito sa buhay ay isang may dugong bughaw o maharlika. Sa kaso ko, si Grandpa ang Emperor at si Mommy ang anak niya but hindi pumayag si mom na manahin ang trono niya kaya sakin napasa.. I mean.. Sa kuya ko naipasa. Kay Raymond Ming or Ram.

He's my half brother dahil nagkaroon ng anak si mom sa isang prinsipe na taga doon lang din sa bansa namin but he died early then my father is her second husband. My dad too is a prince.

Naalala niyo ba noong unang dating ko sa Diabolic Academy at nalaman kong nadidito lang pala siya--Ram, nagtatago? Galit na galit ako sa kanya noon. At ang dahilan kung bakit galit ako sa kanya dahil...

~FLASHBACK~

I'm fifteen at this time.

"What!? What did you say grandpa? Me? I'm marrying my older brother!?"- hindi makapaniwalang tanong ko kay lolo. Nandito rin sina mom, dad and kuya Raymond.

"Yes, Elena. It's for the sake of our country."- mahinahon niyang paliwanag. Napapailing ako at lubos na hindi sumasang-ayon sa gusto niya. Nasa harap kaming dalawa ni grandpa sa harap ng mesa.

"No way! Mom? Are you agreeing to this? Dad? Please don't."- makaawa ko sa mga magulang ko. Napansin ko ring tahimik lang ang kuya ko sa isang tabi.

"Honey, sa'ting bansa walang malisya ang ganoong bagay. So please understand. You love your brother, right?"- asked mom and I nodded. Mas lumapit pa siya sakin and slowly caressing my face.

"I do love my brother pero hindi yon dahilan para gugustuhin ko ng pakasalan siya! He's my brother for God's sake, mom?! I don't love him in romantic way. I love him for being my big brother and not for being a husband!"- I protested. Hirap akong tanggapin ang ganitong sitwasyon. Never ever in my entire life na papakasalan ko ang sarili kong kapatid. It's hilarious!

"At saka hindi ako sa China lumaki kundi dito sa Pilipinas! PILIPINAS! I love this country and I really believe na hindi dapat papakasalan ang sariling kapamilya!"- patuloy ko.

"Honey, you should understand. Please?"- makaawa ni mom at muli na naman kong tumutol.

"Dad? Do you want me to marry kuya Raymond?"- baling ko kay Dad at wala lang siyang ekspresyon na pinapakita and he didn't talk so it means hindi siya papayag.

But still..

I'm wrong.

"Elena, obey what your grandpa and mother said. Maiintindihan mo rin balang araw kung bakit kinakailangan niyong magpakasal dalawa."-aniya na ikinagulat ko.

"Dad.."- naluluha na akong nagmamakaawa sa kanila.

----

Lagi nila akong kinukumbinsi at todo tutol naman ako. I'm really depressed and when I'm like that my brother help me to have peace in mind. Pero kung kailan na kailangan ko siya.. kahit na gusto nilang pakasalan ko siya.. hindi pa rin mawawala ang respeto at pagmamahal ko sa kanya bilang kapatid. I know na hindi siya papayag sa gusto nila lolo. I've known him better.

"Kuya Raymond.."- I mumbled in front of my mirror.

There are one time that I approached him--my brother. Gustong-gusto ko talaga siyang kausapin and it's been a week na parang iniiwasan niya ako and now I have the guts to talk to him seriously. I want to ask him about the marriage thingy.

"Kuya."- tawag ko sa kanya. Lumingon siya at lumapit sakin. Pinilit rin niyang ngumiti sa harapan ko.

"What is it, Elena?"- he asked.

"Kuya, please? Please make them stop for what they're planning to do. Hindi ka naman papayag sa gusto nila 'di ba?"- He step closer to me and touch my head.

"Elena, I'll try my best to convince them. Don't worry. Okay?"- I smiled when he said that. Yes! Finally! May kakampi na rin ako.

"Thank you, kuya. Thank you so much. Sana tumigil na sila lolo sa kahibangan nilang magpakasal tayong dalawa."- niyakap ko siya and he hugged me back also.

Masaya na ako kahit papano. As long my brother is here with me.

---

"What!? Is that true? Umalis si kuya Raymond?"- gulat kong tanong kay mommy. Nandito kaming dalawa sa silid ko. Tumango lang siya bilang tugon.

"Sa'n daw po siya nag punta? Babalik naman siya 'di ba?"- lumungkot ang anyo ni mom kaya nakaramdam na rin ako ng lungkot.

"I'm sorry, honey. But your brother.. He went away. Hindi na siya babalik. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta."- paliwanag niya.

"Kuya, wouldn't do that! Your lying! Hindi siya naglayas! Babalik siya!"- hindi ko maiwasang mapasigaw sa harapan niya.

Hindi talaga ako makapaniwala na lumayas si kuya. Yong pagmamahal na nararamdam ko para sa kuya ko. Napalitan na ng galit. Iniwan niya ako. Iniwan niya akong mag-isa sa bahay na'to. Wala na akong kakampi at patuloy pa rin akong kinukumbinsi nila lolo na pakasalan siya when the time comes. At kapag nahanap na siya.

I become a wild girl dahil sa lungkot na nararamdam ko at dahil na rin sa galit for my grandpa, my parents and to my one and only brother. Umalis ako sa bahay at nabuhay mag-isa ng dalawang taon.

Ang laging tanong ko lang na nasa isip ay kung bakit umalis si kuya na hindi nagpapaalam at kung bakit hindi na siya bumalik?

Then malalaman ko na lang na nandoon lang pala siya sa school nagtatago at si lolo pa mismo ang may-ari ng school na 'yon? Ibig sabihin may alam talaga sila. Pinaglalaruan lang nila akong lahat! Mas lalo akong nagalit sa kanila dahil don. I promise myself na hindi ako maging sunod-sunuran sa kanila. At hindi na ako magpapaloko pa.

~End of FLASHBACK~

Pero mukhang ako pa rin ang talo sa larong 'to. I'm still getting married at si Ram na mismo ang pinipilit na pakasalan ko siya.

He's being selfish dahil ayaw niya akong maging masaya sa piling ni Sib. Alam ko na, na siya talaga ang may pakana kung bakit nalaman ng buong school ang pagpayag ko raw kuno sa kasal naming dalawa kahit na may boyfriend ako.

Kabaliwan.

God! Gusto ko ng mabaliw dahil sa kalungkutan. Madali pa naman ako ma depress kapag lungkot na ang pinag-uusapan.

Nagbago na talaga siya.

At malayo rin ako sa tao'ng mahal ko.

"Sa tingin mo ba tatakasan pa kita Lord Ram?"- diing sambit ko habang dahan-dahan akong umikot. Binuksan niya ang isang pintuan at pumasok sa silid ko. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Akala niya siguro hindi ko malalamang kanina pa siya nandyan sa loob ng isang silid.

"Hilig mo talagang mag tago ano?"- prangka ko sa kanya.

"Ema, let me explain."-paki-usap niya.

"At ano pa ang ipapaliwanag mo? Masaya ka na 'di ba? Masaya ka ng sirain ang buong buhay ko."

"I know may nagawa akong mali. Pero sana marinig mo kung bakit ako nawala noon. Hindi ko 'yon ginusto."- napatingin ako ng seryoso sa sinabi niya.

"Hindi ko gustong iwanan ka. Oo, umalis ako pero dahil rin 'yon sa ikabubuti mo."- aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"- kunot noong tanong ko.

.
.
.

Ipagpapatuloy..

***

Pa voteeee!! Kung gugustuhin niyo pang tapusin ko 'to. XD

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon