Chapter 17: At the Maze.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMA'S POV-
"Honey..." -tinatawag ko pa rin siya dahil hirap na hirap na talaga ako. Pinagpapawisan na rin ang noo ko. Sinubukan kong tumayo para makalakad kahit papano kaso mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
"Hah..hah..hahh..."-hingal ko. Halos isang mata na lang ang naibubuka ko para makakita. May biglang humila sa braso ko patalikod kaya napaharap ako sa kanya. Hindi ko makita kong sino siya.
"Tu-tulungan.. mo..'ko.."-sabi ko sa kanya.
"Nagsisimula ng masira ang katawan mo."- sabi niya.
"Ha?"- hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Pero isa lang ang nasisiguro ko.
Lalaki siya at medyo familiar sakin ang boses niya.
"Inumin mo 'to. Bilis!"- may binigay siya saking isang tube na may lamang dilaw na liquid.
Ano raw? Iinumin ko ang ibibigay niya?
"Ayoko..."- angal ko.
"Inumin mo'to kundi mapapahamak ka! Bilis na!"- pamimilit niya pero ayaw ko pa rin.
"Arghh..! Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan!"- narinig kong binuksan niya yong tube at marahas niyang binuka ang bibig ko at pinainom ang laman nito.
Loko siya...!! Pasalamat siya 'di ko siya malabanan ngayon!
Pa'no kung mas mapahamak pa ako sa ginawa niya?
"*Uho..!*uho..!*uho..!"- napaubo ako dahil masakit sa lalamunan ang pinainom niya sakin.
Pagkatapos non ay bigla na lang siyang umalis at iniwan ako.
Loko talaga yon ah! >,<
"*Uho..!*uho..!*uho..!"- wala pa ring tigil ang ubo ko. Napagdesisyonan kong gumapang para naman may magawa ako.
Mas lalong kumakapal ang usok sa buong paligid. May naririnig naman akong mga yabag ng paa na papalapit sakin. Pinatitigan kong mabuti kung sino 'yon 'tapos may nakita akong liwanag mula sa kanya. Yong...
Tama!
Bakit hindi ko naisip 'yon?
Yong relos!
Agad kong pinindot ang projector watch ko kaya umilaw ito. Lumabas ulit ang mga numero at letra nito. Inangat ko ang kamay ko para mas makita ng kung sino man ang ilaw sa relos ko.
Papalapit na nga siya ng papalapit...
"Stupid girl..."- agad niya akong tinulungang makatayo.
"Sib..? I mean..My.. My Lord.."- sabi ko. Inalalayan niya agad akong makalakad ng mabuti. Pinipilit niyang hawiin ang usok pero wala pa ring epekto.
Sa kapal ba naman kasi ng usok.
"What happened to you? But for now we need to get out.."- sabi niya habang nakaalalay pa rin sakin at nagpatuloy kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mystery / ThrillerSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...