Chapter 43: Decision Making
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMA'S POV-
1 Month had past at naging maayos naman ang lahat. Naging kami na rin ni Sib at mas naging sweet siya sakin kahit tatahimik-tahimik siya. He's always serious when it comes to our relationship. Masaya naman siyang kasama kahit ganoon siya. Si Ram naman, mas lalong naging tahimik at hindi masyadong kinakausap si Sib. Still hindi pa rin sila nagkakabati at hindi ko pa gets kung ano ba talaga ang problema nilang dalawa.
Malapit na ring matapos ang school year at mukhang tuluyan na talaga akong makakaalis dito.
"EMAAAAA.!!!!"- may narinig akong malakas na sigaw habang naglalakad ako patungo sa dorm. Nakita ko sina Honey na nagtatakbo habang papalapit sakin.
"Uy anong problema?"- takang tanong ko sa kanila.
"Nabalitaan mo na ba?"- pambungad nila. Kinakabahan naman ako ng puno ng pag-alala ang mukha nilang apat.
"Ang ano?"-tanong ko.
"IKAKASAL KA NA DAW!"- sabay-sabay nilang hiyaw.
"Ano?"- naguguluhan akong nakatingin sa kanila. Anong ikakasal ako? Wala pa naman kaming plano na magpakasal ni Sib noh.
Hindi kaya?
"Ikakasal ka na nga, Ema! Sabi pa sa nakalagay ng school bulletin ay pumayag ka raw. At alam mo bang kung kanino ka ipapakasal?"-tanong ni Cristal.
"Kay My Lord Ram!"- patuloy pa niya.
What?!
"Ema? May alam ka ba dito? Alam mo bang galit sayo ang ibang estudyante dahil sa nalaman nila? Magkarelasyon kayo ni Lord Sib 'tapos malalaman na lang nila na pumayag kang magpakasal kay Lord Ram?"- tanong naman ni Honey.
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Papakialaman na naman nila ang buhay ko! Bullsh*t!
"Wala akong kinalaman sa sinasabi niyong kasal. Iba ang may pakana niyan."- sagot ko sa kanila.
"Nag-aalala kami para sayo. Baka tuluyan kang pagbuntungan ng galit ng mga tao dito. Kailangan tayong gumawa ng paraan."- pag-alala naman ni Mesha.
"Hindi. Ako na ang bahala. Huwag kayong mag-alala sakin."-sabi ko. Kita ko pa ang pag-alangan nila ng bigla kaming nakarinig ng naghihiyawan at nakita ang mga estudyanteng nagtatakbuhan.
"Hala? May nagkakagulo yata? Tara puntahan natin."-sabi ni Shannen. Dali-dali na kaming pumunta sa pinagkukumpulan ng mga tao. Sa Grand Hall.
Andami talagang tao at hindi ko makita kung ano na ang nangyayari. Kung ano ba ang tinitingnan nila. Sinusubukan naming makisingit hanggang sa wakas nakalagpas rin kami.
Nakita kong nagsusuntukan sina Ram at Sib habang pilit silang inaawat nila Lord Jay, Jed at Dos.
"Fuck you, Raymond! What the Hell is this all about? Your marrying my girlfriend? This is f*cking bullshit!"- pagmumura ng boyfriend ko kay Ram. Punong-puno siya ng galit at may sugat na siya sa pisngi.
Oh my Gosh! O.O
"Sib!"-agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.
"Stupid girl."- sambit niya pagkakita sakin. Puno ng pag-alala ang mga mata niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Muli niyang hinarap si Ram at muli naman siyang nabalutan ng galit. Kita kong dumudugo na ang labi ni Ram habang hawak siya ni Dos. Oh my! Bakit pa kasi kailangan pang humantong sa ganito?
Nakatutok na rin saming lahat ang mga cellphone ng mga estudyante. Paniguradong vine'videohan nila ang nagaganap.
"Talk! you stupid bastard! Or I'm gonna kill you!"- banta ni Sib.
"Simon! Stop it!"- pigil ko sa kanya. Nanatili pa ring tikom ang bibig ni Ram.
"Simon! I said stop!"- muli kong pinigilan si Sib ng ambang susugod na naman siya. Nag-mamakaawa na akong tumigil siya at huminahon. Saglit siyang tumitig sakin at bahagya na ring kumalma.
"Lets go."- hinila ni Sib ang kamay ko at nagmamadali kaming umalis. Binigyang daan naman kami ng mga estudyante kaya madali lang kaming nakalabas.
Dati puno ako ng galit kay Ram pero ngayon kahit papano nag-alala na rin ako dahil sa nangyari sa kanya. At nag-aalala rin ako kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ng mahal ko.
Ayoko siyang iwan.
----
KABLOG!
Malakas kong hinambalos ang pintuan ng opisina ng matandang hukluban. Katabi niya si Gideon at masinsinan silang nag-uusap. Agad naman silang napatigil ng makita ako.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa inyo na huwag na huwag niyong papakialaman ang buhay ko!"- pagdidiin ko kay lolo.
"Elena.."- sambit niya.
"Ayokong magpakasal! Mas mabuti pang lubayan niyo na ako at pabayaan! Alam rin ninyong labag sa loob ko ang magpakasal kay Ram!"- halos pamatay tingin na ang tingin ko sa matandang nasa harapan ko.
Hindi talaga ako makakapayag sa gusto nila.
"Elena please? Huminahon ka muna at mag uusap tayo ng maayos. May importante akong sasabihin sayo."- ramdam kong seryoso nga siya sa sinasabi niya.
"At ano naman yon?"- taas kilay kong tanong sa kanya. Iniwan kami ni Gideon at tulad nga ng gusto niya ay nakipag-usap ako ng maayos. Halos 30 minutes rin kaming nag-usap sa loob.
Nanghihina akong binuksan ang pintuan matapos kong marinig ang mga sinabi ng matandang hukluban na yon. Hindi ko 'to inaasahan sa tanang buhay ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na talaga ang isip ko.
----
"Ema? Ayos ka lang ba?"- tanong ni Honey pagkalapit nila sakin. Nandito ako sa secret garden at dito ako nagmukmok. Dito ko nilabas ang sama ng loob ko.
"Umiiyak ka ba?"- lumuhod sila at hinaplos ang likuran ko.
"Ema."- tumingin ako sa kanila at mas lalo silang nag-alala na nakikita nga akong umiiyak.
"Kakayanin mo'to Ema. Hindi ka namin papabayaan. Gagawa kami ng paraan para hindi matuloy ang kasal mo kay Ram."- sabi ni Honey. Umiiling-iling lang ako sa kanya.
"Hindi.. Hindi pwede."- humagulgol kong sambit.
"Bakit?"- takang tanong nila. Tumahimik ulit ako at napaiyak. Ang sakit pala ng kailangan mong magsakripisyo para sa taong pinakamamahal mo.
"D-dahil.. nakataya dito ang buhay ng mommy ko."-sagot ko at nagulat si Honey.
"A-Ano?"- tanong niya. Hindi pa siguro niya alam kung ano ang nangyari kay mommy.
"Kailangan ko silang sundin kahit labag sa kalooban ko. At saka.. wala na akong magagawa pa. Nakataya rin dito ang bansang pinanggalingan ko. Kailangan kong magpakasal.. Kinakailangan kong magpakasal--" sabi ko.
"Sa sarili kong kapatid."- patuloy ko at nagulantang silang apat.
"Ano?? O.O"- sila.
.
.
.Itutuloy...
****
Please voteee..^^
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mystery / ThrillerSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...