Chapter 31: {Charlotte}
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMA'S POV-
Hindi ko alam kung kanino galing 'tong larawan na may brutal na ginagawa si Honey. Napamukmok lang ako sa sarili kong silid habang unti-unti kong kinukuyom ang larawan.
Nakakaramdam ako ng inis at galit. Hindi para kay Honey kundi sa tao'ng nagpadala nito.
Ilang oras din ako sa loob ng kwarto ko at pinapahinahon ang isipan ko. Ni hindi ko magawang makatulog dahil sa sobrang pag-iisip at pag-alala. At napagdesyonan ko na kailangan kong gumawa ng paraan.
Lumabas ako ng kwarto kahit alas dos pa lang ng umaga. Kahit nga hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta hinahayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako nito dadalhin.
At hindi ko inaasahan na sa isang bar ako mapupunta.
"Welcome to my Bar Night, Elena.." -bati sakin ni Marie pagkaupo naming dalawa sa private room niya dito sa bar.
Nanatili lang akong tahimik habang nakatungo dahil muli na naman akong napapaisip. Pagbukas pa lang ng pintuan niya kanina sa bar ay siya agad ang lumabas. Inanyahan niya ako pagkatapos niya akong makita kaya pumayag na ako.
"This is not the place where you let your problems get into you."- napatingin ako agad sa kanya.
"This bar is made for those people who want to enjoy their life all night long. At mukhang hindi ka isa sa kanila."- sabi pa niya at napabuntong hininga lang ako.
"Hindi talaga dahil wala akong panahon para magsaya ngayon."- sabi ko.
"And why?"
"Its confidential but I want to ask you something."
"I'm ready to answer kung sakop ito ng kaalaman ko."- napatango lang ako sa pahayag niya.
"Its about..."- naghahanap pa ako ng lakas ng loob para maitanong sa kanya ang mga bagay na yon.
"I'm waiting."- lumagok siya ng wine saka nag-antay sa sasabihin ko.
"It's about.. Honey."- napatingin siya agad sakin ng diretso kahit patuloy pa ring umiinom ng wine. Binaba niya ang kanyang inumin at dinantay ang kanyang paa sa kanyang kabilang hita.
"I'll guess..."- aniya.
"You want to know her true identity, right?"- patuloy niya.
"Pano mo nalaman?"- takang tanong ko sa kanya. Pano nga kaya niya nahulaan?
"Hahaha..! Your face dear is priceless."- at tinawanan lang ako ng loka. -__-#
"Alam mo kasi... Magtataka ka talaga kung ano ang totoong pagkatao ni Honey."- aniya.
"Bakit mo nasabi?"-tanong ko.
"Simple lang.. Dahil sa sobrang kabaitan na pinapakita niya sa iyo, halos isang anghel na siya sa paningin mo."- umupo siya ng maayos saka nagpatuloy. "Alam mo naman na sa sobrang kabaitan ng isang tao imposibleng wala siyang tinatagong lihim."
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mistério / SuspenseSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...