Chapter 20 {To the Last Round}

1.9K 54 0
                                    

Chapter 20: To the Last Round

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMA'S POV-

"My Lord, mas nadurugo ang sugat mo. Pati na rin ang sugat mo sa binti. Malala na ang lagay mo!"- nag-aalalang sambit ni Honey.

Lahat kami ay nataranta ng makita namin na mas lalong lumalala ang sugat ni Sib.

"Lumayo na muna kayo. Sib, umupo ka na lang muna para maiwasan ang pag durugo."- pina-upo nila Ram at Jed si Sib sa sahig.

Nahihirapan na ang amo ko at hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya..

"Hah.. hah.. hah.."- hirap na rin siyang huminga.

"Kailangan nating gumawa ng paraa---" -Cristal.

Agad akong lumapit kay Sib at ginamit ko ang panyo ko para mailagay ito sa binti niyang may sugat. Tinali ko talaga ito ng mahigpit para huminto ang pag durugo. Hindi ko alam kung bakit sobra talaga akong nag-alala para sa kanya.

Hindi ko maiwasang mataranta..

Kabahan..

At matakot para sa kanya..

Napapatingin lang sila sa ginagawa ko.

Hinubad ko ang blazer ko at tinampal ito sa balikat niya. Diniinan ko ito para na rin maiwasan ang pag durugo.

"S-stupid girl..."- nahihirapang sambit ni Sib.

"Tumahimik ka na nga lang dyan! Itikom mo yang bibig mo para hindi umagos yang masagana mong dugo sa mga sugat mo."- sabi ko.

Tumahimik naman siya..

Pero napapapikit na rin siya.

Darn! I hate to see him like this!

"Hindi pa yan sapat.."- sabi ni Shannen.

May hinanap ako sa loob ng elevator. At ng may nakita ako sa taas agad ko itong nilapitan. As in sobrang lapit ko sa nakatagong camera.

"Hoy! Matandang hukluban! Alam kong nandyan ka! Kapag napahamak ang panginoon ko dahil sa pinaggagawa ninyo. Malalagot ka sakin! Kakalbuhin ko talaga yang panot mong ulo! Naiintindihan mo.!!"- bulyaw ko rito.

"Ema? Anong ginagawa mo? At sino naman ang kinakausap mo dyan?"- tanong ni Honey.

"Yong panget na matanda."- sabi ko sa kanya sabay harap ulit sa camera.

"Ha?"- takang tanong niya. Pati rin siguro ang iba ay nagtataka sa ginagawa ko.

"Kapag bumukas ang pintuan at walang medic.. Talagang hindi mo na ako makikita.!!"- huling sabi ko sabay...

.

*Bogshhh..!!

.

Sinuntok ko ang hidden camera.

Kapag talaga hindi siya sumunod sa gusto ko siya rin ang mawawalan ng apo.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon