Chapter 41 {Confession}

1.2K 44 0
                                    

Chapter 41: Confession

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-Third Person's POV-

Nahihimbing na natutulog si Lady Ema ng bigla rin itong nagising. Dali-dali siyang bumangon at ang unang nakita niya ay ang among walang anumang reaksyon na nakatutok sa kanya. Naka-upo lamang ito ng tahimik sa tabi ng hinihigaan niya.

"Simon! Naaalala mo ba ako? Ako to si Elena! Ikaw si Simon di ba? 'Di ba? Kilala mo'ko? Hindi mo ba ako naalala?"- dire-dietsong tanong ni Ema kay Sib. Si Sib naman naguguluhan sa mga sinasabi niya.

"Please? Please? Please? Huwag ka ng umalis. Dito ka na lang? Huwag mo'kong iwan. Please?"- namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Nangungusap ang mga mata'ng puno ng kaba. Kabang mawawala ang lalaking matagal na niyang hinihintay.

"Hoy, Simon? Magsalita ka naman oh? Hindi mo ba ako naalala? Alam kong ikaw yong supladong bata na nakilala ko. Ikaw yon 'di ba?"- muling tanong niya rito. Nanatili pa rin itong tahimik.

"Simon naman oh? Ikakasal ka lang naging pepe ka na? Ano ba yan!"- napasimangot na si Ema dahil sa inis rito.

"I'm not a deaf, stupid girl."-bahagya lamang nagulat si Ema ng nagsalita na ito.

"Ha! Buti nagsalita ka!?"-anito.

"Of course. But about what you said earlier? You wanted me to stay? Am I right?"- unti-unting napapangiti ang poging master niya.

"Don't deny it. I heard it clearly."- patuloy pa nito at napapangiwi lang siya.

"Ah.. Eh.. Hehe.."- aniya. Unti-unting lumalapit sa kanya si Sib kaya bigla siyang kinabahan. Dahan-dahan naman siyang napapa'atras sa isang King size bed na kanyang kinalalagyan.

"U-u-uy..! Lu-lumayo.. ka nga sa-sakin.."- nabubulol niyang sambit ng ayaw pa rin itong makinig sa kanya. Mas lalo lang itong lumapit kaya ang lakas-lakas na ng kabog ng dibdib niya. Mas bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil naalala na niya kung sino talaga ang lalaking nasa harap niya.

Unti-unti na siyang napapahiga habang si Sib ay seryoso pa ring nakatitig sa kanya hanggang sa...

Pinaibabawan na siya nito.

"If you refuse what I will do to you, I'll go to U.S. But.. if you accept it without fear then I'll stay."- kondisyon ni Sib sa kanya at mas lalo lamang siyang kinabahan sa mga titig at kung ano ang binabalak nito.

"Ehh.? Ha? Te-teka! Ano bang ga-gawin m-mo?"- pinipilit na niyang makawala sa mga kamay nito ngunit parang nawawalan lamang siya ng lakas.

Papalapit na ng papalapit ang mukha nito sa kanya kaya ang tanging nagawa niya ay ang mapapikit ng mariin. Paniguradong maririnig nito ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

'Please. Please.. Please.. Huwag lang ang virginity ko. Hindi ko kayang ibigay, Lord. Please..'- pikit matang panalangin ni Ema.

Hanggang sa nag-antay siya ng ilang segundo ng wala pang kakaibang nangyayari sa kanya. Nakita lang niya ang nakangiting mukha ng master niya na nanatili pa rin sa ganong posisyon. Isang nakakainlove na ngiti na nagpapula ng mga pisngi niya.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon