Chapter 36: Sudden Proposed
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-Third Person's POV-
Nasa may park na tambayan ang grupo nila Honey habang 'yong ibang estudyante naman ay tumatambay rin dito. May lumapit sa kanilang isang morenang babae na may suot na salamin sa mata.
"Mesha, ito na yong mga papeles na kinakailang mo."- binigay ng naturang babae ang mga files kay Mesha.
"Thank you, Cath."- nginitian niya ito sabay kuha ng mga files.
"Hmm.. Di ba, kaibigan niyo si Lady Elena? Yong apo ng may-ari ng school na'to?"- biglang tanong nito sa kanilang tatlo.
"Oo, bakit? May kailangan ka sa kanya?"- tanong ni Cristal rito.
"Naku.. Wala. Ano lang kasi.."- anito.
"What is it?"- tanong ni Honey.
"Ahh kasi.. Kahapon. Muntik na niyang sirain ang computer sa laboratory."- sagot nito.
"Ano? Bakit?"- tanong naman ni Shannen.
"Ganito kasi ang nangyari."- panimula nitong mag kwento sa naganap.
~•~ FLASHBACK ~•~
Pagdating ni Ema sa com. lab. ay napahanga siya sa sobrang laki at lawak nito. Napakaraming computers ang nakahilira ng maayos sa bawat gilid at sa gitna nito. Ang linis-linis rin at maaliwalas ang paligid. Wala pang ibang tao ang naririto dahil kakabukas pa nga lang.
"Excuse me miss? Nandito ba si Charlotte?"- tanong ni Ema sa babaeng nagbabantay sa com. lab. Tumayo muna ito saka siya kinausap.
"Charlotte? Sinong Charlotte po ba ang hinahanap niyo?"- tanong nito sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong apelyido non. Basta daw hanapin ko lang daw yong si Charlotte at mag tanong sa kanya."- anito.
Saglit na napa-isip ang babaeng nagbabantay saka siya kinausap ulit.
"Matanong ko lang po? Sino po ang nagsabi sa inyo tungkol kay Charlotte?"- tanong nito.
"Hmm.. Si Marie. Kaso di ko rin alam ang apelyido ng babaeng 'yon eh. Basta 'yong malditang babae."- tila natawa naman si Cath sa sinabi nito at mukhang alam na nito kung sino ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mystery / ThrillerSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...