Chapter 13: Lord Sib Vs. Gideon
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMA'S POV-
I'm doomeeedd..!!!!
Hindi talaga ako makakapayag na gawing premyo ang pinakamamahal kong sasakyan! Huhuhu.. T__T
"Ema? Hoy Ema? Parang binagsakan ka ng langit at lupa dyan ah?"- tanong sakin ni Honey.
Nandito nga pala kaming dalawa sa Cafeteria. Siya, kumakain lang na walang pinoproblema habang ako? Ito.. Nakasubsob sa mesa at punong-puno ng problema.
"Alam mo. Mas mabuti pang kumain ka ng marami para magkaroon ka ng lakas para sa nalalapit na school event."- Sabi niya kaya inangat ko ang mukha ko para matignan siya.
.
.
.
O.O <<< reaksyon niya pagkatingin sakin.
.
.
.
T_____T <<< ako.
.
.
.
"E-Ema..?? Ba't ka umiiyak?"- tarantang tanong niya.
"Yong... Yong.. Waaahhh..!!! Huhuhu.. T___T"- sumubsob na naman ako ulit para humagulgol ng iyak.
P*steng event yan! Ginawa pang premyo ang sasakyan na pagmamay-ari ko! Nakakaasar talaga! Huhuhu.. T__T
"Hoy... Ema? Anong problema? Bakit ka ba umiiyak dyan? May masakit ba sayo? Ano?"- lumapit siya sakin at pinatahan ako.
"W-Wala... Maayos lang ako... Su-sumakit lang ang tiyan ko.."- palusot ko sabay punas ng mga luha ko.
Hmm.!
Kailangan kong mabawi ang kotse ko! Walang makakaagaw nun sakinnnn.!! >,<
"Sabi ko na sayo eh.. Kumain ka na para hindi na sumakit ang tiyan mo. Pakiramdam ko nga lagi kang nalilipasan ng gutom." -nilapit niya sakin ang kanyang mga biniling pagkain pati na rin ang gatas na palaging meron siya.
"Salamat... "- sabi ko.
Umalis muna si Honey sandali para makabili ng panibagong pagkain para sa kanya.
Nalibre niya tuloy ako..
"Kaasar..! Naubusan ng gatas sa tindahan! Pano mauubos yon ng ganon kadali? Tsk!"- nakabusangot na sabi ni Honey pagkabalik niya. Umupo na rin siya sa tabi ko para makakain.
"Ahh.. Sayo na lang 'tong gatas. Hindi ko pa 'to nababawasan. Ibabalik ko na lang sayo tutal sayo naman talaga yan."- sabi ko sabay abot sa kanya ng gatas.
"Ema, gusto ko lang sabihin sayo na.. Kapag naibigay na sa isang tao ang isang bagay o ano pa.. hindi na dapat 'yon isinasauli sa naunang nagmamay-ari. Alam mo ba kung bakit?"- aniya.
"Ahh..Hindi?"- sagot ko.
"Hmmm.. Dahil.. Alam nung tao na nagbigay, na mas may ibang nangangailangan nun kaysa sa kanya. Gets mo ba?"- pag-iintindi niya sakin.
"Kuha ko na.. Pero baka gusto mong uminom nito kaya sayo na lang. Ayos lang naman sakin kahit hindi ako umiinom ng gatas."- pagpupumilit ko sa kanya.
"Haysss.. Hindi mo pa rin talaga nakuha. Ganito na lang.. Teka lang ha.."- mabilis na tumayo si Honey at mabilis rin siyang nakatakbo at nakabalik na may dala-dala ng dalawang baso.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mystery / ThrillerSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...