Chapter 15 {Moment with My Lord P-2}

2.3K 73 0
                                    

Chapter 15: Moment with My Lord {PART 2}

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMA'S POV-

"Ang ganda naman dito My Lord.."- sabi ko habang pinagmamasdan ko ang magagandang bulaklak na nakahilira sa may gilid.

May mga bulaklak rin dito na nakalagay sa malalaking flower vase na nasa bawat dulo. Mayroon ding maliit na botanical garden kung saan maaari ka pang mag tanim ng herbal plants.

Talagang napakagandang tignan ng mga roses na ibat-iba ang kulay. May pula at puting rose. May mga orchids rin na nakasabit sa rehas. May maliit na fountain at may sosyal na sala set, may ref at marami pang iba!

At ang mas nakakabongga rin dito ay may white piano na nasa tabi ng mga bulaklak.

Parang kumikinang ang lahat sa paningin ko.. *.*

"Oh my gosh.. I'm so in love! Kyaaahhh..!! I really love this place! ^.^"- hinahawakan ko pa ang mga bulaklak dahil mukhang wala naman siyang balak na pagalitan ako sa pakikialam ko rito.

Umupo siya sa couch at may kinuhang libro sa isang drawer.

Parang ayos lang sa kanya na mag enjoy muna akong matignan ang mga naggagandahang bulaklak.

"Hmm.. Ang bango-bango! Hehehe.. ^.^"- para na akong nagiging bata sa ginagawa ko.

Kung hindi niyo alam. Mahal ko talaga ang mga bulaklak lalo na kung nasa ayos. Feeling ko lang kasi mahal rin ako ng mga ito.

Hmm.. Yon nga lang.. Hindi ko alam kung bakit ganon ang pakiramdam ko.

I think flowers remind me of something??

"Stupid girl. Come here."- tawag ni Sib kaya agad naman akong lumapit sa kanya.

"Play this.. And this.. And this.. And also this.."- may nilabas siyang mga kakaibang bagay sa mesa.

Lalaruin ko ang mga 'yan? Seryoso?

"Ha?"- tanging nasabi ko.

"Do I really need to repeat it?"- aniya sabay tingin ng seryoso sakin.

"Ah.. Hehehe.. Huwag na po, My Lord. Nakakahiya naman po..."- sabi ko sabay talikod sandali at bumulong-bumulong..

"Grrr..!! Gwapo sana kaso masungit! Nakakapanggigil..!>,<"- yan ang sabi ko.

"What are you doing?"- tanong niya kaya napaharap na ako.

"Wala po.. ^__^"- umupo na ako malapit sa kanya 'tapos kinuha ko na 'yong isang laruan.

Hmm.. Mukha siyang isang maze? May isang maliit na bola sa starting line 'tapos kailangan mo itong ma'shoot sa goal para makalabas or manalo.

Parang ang hirap nito? Andaming pasikot-sikot.

Sinubukan ko na nga itong laruin.

*AFTER 3 hours...

"Arghhhhh..!!!!"- muntik ko ng matapon ang maze game ng masamang napatingin sakin si Sib.

"Ayyy.. Ito talagang laruan ang sayang-sayang laruin.."- sabi ko habang dahan-dahan kong binababa ang laruan.

Wooh! Muntik na akong makasira ng laruan na hindi akin.

"Try this."- inilapit niya sakin ang isang box.

"Anong laman nito?"- tanong ko.

"Try to open it so you will know. Don't ask always.."- aniya sabay harap sa libro at nag basa.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon