Chapter 4 {Encounter the Highness}

3K 72 0
                                    

Chapter 4: Encounter the Highness

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMPEROR'S POV-

*Kablog.!

Hinambalos niya ang kanyang mesa pagkarinig sa sinabi ko.

"ANO? Bakit hindi niyo sinabi sakin!"- galit niyang sambit. Lumakad muna ako at umupo sa couch habang sinusundan niya ako ng tingin.

"Please be calm my daughter. Alam kong lubos kang nagagalit sakin dahil hindi mo nalaman ang mga nangyayari sa paaralan."- kalmadong sabi ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at hindi ko maiwasang matuwa sa kanyang ka'cutetan. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Siya naman halos hindi na maimpenta ang mukha dahil sa galit.

"Dad! Kapag may nangyaring masama sa kanya hindi kita mapapatawad!"- seryoso na talaga siya kaya napaseryoso na rin akong titigan siya.

"Okay, okay.. Aakuin ko ang lahat ng masamang mangyayari kay Elena. Maaari mong gawin sakin ang lahat ng iyong nanaiisin."- sabi ko.

"Hindi! Hindi yan ang gusto kong marinig mula sa'yo, dad. Ang gusto ko pabalikin mo siya! Tutal ikaw naman ang nagpapasok sa kanya rito! Alam mo naman kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nanatili siya sa paaralan na'to!"- aniya.

Heez.. Nae'estress na siya.

Napabuntong hininga lang ako dahil hindi ko masabi-sabi ang dahilan ko sa kanya. Mas lumapit siya sa mukha ko sabay sabing...

"Ikaw ang mas nakakaalam na mas delikado siya rito. Kapag talaga napahamak si Elena..."

Napapikit na lang ako para tanggapin ang susunod niyang sasabihin.

"Hindi na kita ituturing na ama."- patuloy niya sabay layo sakin at agad ng umalis.

Naiwan akong napapaisip. Alam ko naman kung ano ang ginagawa ko. At alam kong mangyayari ang ganito.

Mukhang matatagalan bago kami magkakabati ng anak ko.

Hindi ko pa pwedeng pauwian ang a....

*Kablog.!

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Leo. Agad niya akong kinumpronta.

"Totoo ba? Pinapasok mo si Elena dito ng hindi namin nalalaman? Alam mo bang may nangyaring kumosyon kanina at siya ang pinag-iinitan ng lahat?"- aniya na may nagbabagang mga tingin.

"Alam mo, Leo. May dahilan ang mga nangyayaring naganap kaya hayaan mo na lang muna ang ganoong bagay sa ngayon." -tugon ko sa kanya.

"Hindi ako makapaniwala na gagawin mo ang ganito, dad."- sabi niya.

Kita ko nga sa reaksyon mo, Leo.

"Ako nga rin eh.."- bulong ko pero napansin kong narinig niya ang sinabi ko kaya agad ko namang binawi.

"Ang ibig sabihin ko.. Hindi ko inaasahan na may mangyayari na agad sa kanya."- palusot ko sabay napaiwas ako ng tingin.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon