Chapter 35 {Case Closed}

1.4K 46 0
                                    

Chapter 35: Case Closed

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-HONEY'S POV-

"Puro kasinungalingan para takpan ang nagawang kasalanan."- sabi niya agad sakin.

"Hindi 'yon puro kasinungaling kundi purong katotohanan."- sagot ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

"Alam kong ikaw ang pasimuno kung bakit nalaman ni Ema ang tungkol sakin."-tumigil siya sa kakatawa 'tapos tumingin ulit sakin.

"Nalaman ko lang na ikaw ang may kagagawan dahil alam kong gusto mo'kong siraan sa kanya. Alam kong may nagawa akong kasalanan kay Nancy at pati na rin sayo pero sana tanggapin mo ang katotohanan na hindi lang ako ang nagkamali kundi pati na rin ang ate mo."-patuloy ko.

"Anong katotohanan? Tanggapin ang katotohanan na isa kang mamatay tao? Walang nagawang kasalan ang kapatid ko at tanging ikaw lang!"- galit niyang saad sakin.

"Your sister is a witch."- agad akong napalingon sa likuran ng may ibang biglang nagsalita.

"Nakipagsundo siya sa kadiliman para lang makamit ang ninanais na kapangyarihan at unang pinag gamitan niya ng mahikang yon ay si Honey."- patuloy nito.

"Ema? Akala ko tulog ka na?"- naguguluhang tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin at seryosong nakatingin lang kay Niña.

"Alam ko na ang buong katotohanan kaya huwag mo ng siraan si Honey dahil sa puntong yon ay inosente siya. Your a jealous girl. At alam mo ba kung bakit isa kang inggeterang tao? Gusto mong mapansin kita. Gusto mong tanggapin ko ang mga pinamimigay mong sweet foods. Gusto mo ring sumikat gaya ni Honey."- patuloy pa niya at gulat lang ang rumihestro sa pagmumukha nito. Ilang segundong natahimik kaming tatlo.

"Oh ano? Gusto mo bang may sabihin pa ako o titigilan mo na ako at si Honey para matapos na'to?"- seryosong tanong ni Ema sa kanya at saglit yata itong naguluhan kung ano ang sasabihin.

"Mali ka. Nagkakamali ka!"- sigaw nito sa kanya.

"Your the one that sending me a picture of Honey killing someone, right? And you also want to give me sweets dahil you're jealous about Honey giving her fresh milk always to me. And about being a popular. Kahit may mga madilim na nakaraan si Honey ay nagawa niya pa ring sumikat dito sa school at magbago. Hindi kagaya mo na kahit sikat na ay hindi pa rin makunteto."- sabi pa ni Ema. Si Niña naman ay nanatiling natameme.

Di ko alam kung pano niya nasabi ang mga bagay na yon?

"Bakit hindi mo na lang kaya pagtuunin ng pansin ang sweetylicious club at mag let go sa past?"- galit na napaiwas ng tingin si Niña dahil hirap siyang tanggapin ang katotohanan.

Si Niña nga pala ang founder ng club na 'yon. Kaya nga hindi na ako nang-agaw sa kanya sa sweetylicious club dahil ayaw ko na ng gulo.

At kahit papano nakikiramay ako sa pagkawala ng ate niya.

"I'll help you. Alam naming masakit ang mawalan ng minamahal pero hindi yon rason para gumawa ka na ng masama."- sa puntong yon napatitig ako kay Ema.

Geez.. Parang pinaparinggan na yata ako ah?

"Oo inaamin ko. Ako nga ang may pakana na siraan si Honey sayo dahil yon na ang pagkakataon ko para makaganti. Si ate Nancy ang tinuturing kong ina dahil bata pa lang kami ay namatay na si mommy. Ngunit pati siya ay kinuha sakin. Labis-labis akong nagdusa nong pagkawala niya. Muntik na rin akong magpakamatay noon pero naisip kong pano ako makakaganti kung patay na ako."- wika ni Niña.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon