•~• DIABOLIC •~•
•Âçådëmy••†××♠~♠-----♣~♣~♣-----♠~♠•×׆•
Lakad ako ng lakad...
Hmmm...
Habang pinagmamasdan ko ang isang mapa na binigay sakin ng isang matanda. Napapaisip ako kung saan tutungo ang daanang ito na tinuturo naman ng mapang dala ko.
Nasa isang malawak na lugar ako na may malawak na daanan na parang isang high way... O? Isang high way talaga ang nilalakaran ko ngayon?
"Tsk.! Hindi man lang ako binigyan ng pera! Kahit man lang tubig! Wala! Kaasar..!!"- maktol ko habang patuloy sa paglalakad.
Tanging ang dala kong gamit ay ang suot kong damit, suot kong sapatos, suot kong relo, suot kong sombrero at ang dala kong kaperasong papel na binigay nung hukluban.
Badtrip! Badtrip talagaaaa...!! >,<
Kakapagod talagang maglakad na sinabayan pa ng pagtakbo. Sumasakit na nga ang mga paa ko at hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng walang kwentang mapang ito.
"Ha! Bahala na nga. Hindi na ako tutuloy. Mas mabuti pang bumalik ako!"- nilukot ko 'yong papel at tinapon sa magubat na bahagi nang may bigla akong napansin sa di-kalayuan.
Ano 'yon?
Parang...
Pader?
Dahil sa kuryosidad kong malaman sa nakita ko. Sumuong agad ako sa kagubatan kahit na masukal. Nakakapagtaka lang kasi parang ang laki-laki ng pader at parang kakaiba.
Bukod kasi sa madalas kong makitang mga pader ito lang ang pinaka-kakaiba sa lahat.
"Aray..! Aray ko! Ang sakit..."- daing ko matapos matusok ng sanga ang braso ko.
Naman oh... Nasugatan pa ako.
Patuloy ako sa paglapit patungo sa pader hanggang sa wakas!
Nakarating na rin ako! Whew!
"Woahh.. Ang laki, laki, laki, laki-laki ng pader..!! O.O "- manghang sambit ko matapos makita ng malapitan ang pader na animoy parang isang Great Wall of China sa sobrang taas, laki at kapal ng pader.
Just Wow! *.*
"Malamang... Ito na siguro ang tinutukoy ng mapa at ng matandang 'yon."- lumakad ulit ako at naghanap ng pintuan na mapapasukan.
Nasa harapan na ako ng malaking gate. Nakatingin at nagmamasid sa buong paligid.
Ayon naman pala!
May malawak na daanan naman pala rito. Ba't pa ako dumaan sa masukal na short cut?
Haist!
Nagkasugat tuloy ako dahil don!
Hindi ko makita ang loob ng gate. Gawa kasi sa makapal na kahoy ang gate na nagmimistulang isang malaking pintuan.
"May kailangan ka miss?"- napalingon ako sa may gilid at nakita ko ang isang lalaking nasa edad 30's.
Saan kaya siya nanggaling?
"Ahh.. Pa'no po ako makakapasok sa loob nito? May nagpapunta kasi sakin."- sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at bigla na lang niya ako tinalikuran.
Eh..?
Ganon?
Ang galing.. -__-
Mayat-maya narinig ko na lang na unti-unting bumubukas ang gate sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Misterio / SuspensoSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...