Chapter 44 {Past Events -Original}

1.1K 26 0
                                    

Chapter 44: Past Events

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-Third Person's POV-

Ilang beses ng muntik mapahamak ang dalawang batang maharlika na sina Lady Elena Mayer Amorpha at si Lord Simon Intano Burton.

May mga tao kasing nagtatangkang kidnapin sila. Dahil matitinik nga ang mga ito nagawa nga nila ang masamang binabalak. Nasa loob ng itim na van sina Elena at Simon. Sigaw ng sigaw si Elena habang patuloy na umiiyak. Si Simon naman masamang tinitigan ang mga tao'ng dumukot sa kanila.

"Shut that stupid mouth of hers!"- bulyaw ng lalaking nagmamaneho sa kasamahan niya.

*PAK!

"Ouch!"- daing ni Elena ng bigla na lang siyang sinampal ng malakas sa kanang pisngi na agad niyang ikinatahimik.

"You bastard!"- galit na sinugod ni Simon ang nanampal kay Elena. Muling nagpatuloy si Elena sa paghagulhol ng iyak habang nagkakagulo na sa loob ng sasakyan. Kahit bata pa si Simon ay may kaya na siyang labanan ang mga ito. Matalino siya at tinuruan siya ng kanyang sariling ama kung pano ipagtanggol ang sarili kapag nasa panganib.

"What the hell! Stop him! Stop him! Shit!"- pagmumura ng nagmamaneho dahil ginugulo siya ni Simon habang todo pigil ang mga kasamahan nito sa bata.

*Ngeeeng! Ngenngg! Ngengg!

May narinig silang mga tunog ng royal police force kaya naalarma sila. Napatingin ang isang tauhan sa labas ng bintana at sa tantiya niya ay nasa 30 police black vehicles ang naghahabol sa kanila ngayon.

"Damn! Get the guns!"- nahihirapang kunin ng mga kalaban ang kanilang armas dahil si Simon ay patuloy pa rin sa pag distract sa kanila.

"People like you are stupid!"- sambit ni Simon habang pinipilit na makawala sa kamay na nakahawak sa kanya.

"Do you think you can get away with this? Ha! Stupid people!"- patuloy pa ni Simon at 'di na napigilang magalit ng isang tauhan. Limang tauhan ang dumukot sa kanila.

"You too shut the fuck up! You're messing with our plan!"-bulyaw nito na agad sinikmuraan si Simon.

"Urghh!"- daing nito at agad nawalan ng malay.

"Simon!!"- sigaw ni Elena at lalapitan na sana niya ito ngunit pinigilan siya ng dalawang tauhan.

"Stay here kid. Your friend is now sleeping. Hahaha.!"- demonyong tawa nito ng binuhat ng isa si Simon.

"Waaahh!! Simon! Simon!"- kahit nasaktan si Elena sa pagsampal sa kanya kanina at sa sakit na, na makitang wala ng malay ang kanyang kaibigan ay gumawa na rin siya ng paraan.

"Urgh! Aaahhh! Argh!"- daing ng mga ito ng wala silang tigil na pinagsasampal at sinusuntok ni Elena sa iba't-ibang parte ng katawan. Kahit maliit ang espasyo sa loob ay mabilis na kumilos si Elena at pinagtatadyak at pinagsisipa niya ang masisilang parte ng katawan ng mga ito. Napahiyaw sila sa matinding sakit at hindi pa nakuntento si Elena at pinagsasabunot niya ng todo ang mga buhok at balbas nito.

"Stop that vehicle now!"- rinig nilang sigaw sa labas. Malamang ang mga police force ito.

Nagpagiwang-giwang na ang kanilang menamanehong sasakyan habang todo kapit na ang mga kidnapper sa kotse habang si Elena ay tila hindi napapagod sa ginagawa.

Nahintakutan rin ang mga kidnapper dahil napapaligiran na sila ng mga police at sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla naapakan ng driver ang turbo. Bumilis ang takbo ng sasakyan nila.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon