Chapter 7 {New Life to Begin with}

2.7K 71 0
                                    

Chapter 7: New Life to Begin with.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-RAM'S POV-

Habang naglalakad kami ng limang kasamahan ko sa gilid ng gymnasium. Napahinto kami ng napansin ko ang babaeng may malakas na dating na naglalakad sa kabilang bahagi ng gym.

Napapatingin sa kanya ang mga tao habang siya'y papalapit ng papalapit kay Marie.

Ano kaya ang binabalak niya?

"Who's that lady? She's so beautiful."- manghang sambit ni Jay habang nanatiling nakatingin sa babae.

"Don't know. Baka bago lang siya?"- tanong naman ni Jed.

"Kung bago siya ba't wala tayong nalaman tungkol sa kanya?"- sabi naman ni Dos.

Nanatili lang akong tahimik pati rin si Sib na matamang nakatingin sa babae. Hindi nila namumukhaan ang babaeng susuriin sana namin nong nakalipas na mga araw. Malaki kasi ang pinagbago nito ngayon kaysa nong araw na bagong dating nito rito.

*PAK..!

Lahat kami ay nabigla at nagulat sa biglang pagsampal nito kay Marie. Umalingawngaw sa buong gym ang ginawa niyang pagsampal.

Halos lahat ay hindi nakapagsalita sa nangyari. Pagkaraan ng ilang minuto ay agad na rin itong umalis at doon lang nagbalik sa dati ang lahat. Pero ang pinagkaiba lang ay nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga tao.

Ang pag-usapan ang pangyayaring naganap sa babaeng hindi kilala at kay Marie na sigang babae.

"Whew..! Hahaha.. Mukhang napahiya si Marie ah."- natutuwang sambit ni Jay.

"Pinagtitingnan na rin ng lahat si Marie. Paniguradong hindi niya palalampasin ang ginawa ng babae sa kanya."- sabi naman ni Dos.

"Let them be. Wala na tayong pakialam sa mga gagawin nila. Tayo na."- sabi ni Sib kaya napagdesisyonan na nga naming umalis at pumunta sa opisina dahil may pagmemeetingan kami.

Makakayanan kaya niyang labanan si Marie Preston?

Na anak ng presidente ng Pilipinas?

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

-MARIE'S POV-

Napakawalang hiya talaga ng babaeng 'yon! Sino siya para sampalin ako sa harap pa ng maraming tao!?

Magbabayad talaga siya sa ginawa niya sakin!

"Mag tago ka ng babaeng ka. Papatayin kita kapag nakilala kita."- sabi ko habang kaharap ko ang salamin ng banyo.

Nagngingitngit ako sa mga oras na'to! Grrrr..!!! F*ck!

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

-EMA'S POV-

"Pagpasensyahan mo na muna itong magiging kwarto mo, Ema."- sabi ni Honey habang nandito kami sa isang silid na walang kalaman-laman.

Ito daw ang magiging kwarto ko dahil wala pa daw akong pera sa ngayon.

"Ayos lang..."- sabi ko na lang habang nakatingin sa silid.

"Hindi ka kasi pwedeng magtagal sa kwarto ko. Kahit gustuhin ko man na don ka muna ay hindi na pwede. Patakaran kasi yon dito. Pero huwag kang mag-aalala kapag may kailangan ka sabihin mo agad sakin."- sabi niya.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon