Chapter 28 {Condition}

2K 56 0
                                    

Chapter 28: Condition

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-HONEY'S POV-

"Huwag nga kayong mag biro ng ganyan. Hindi nakakatuwa."- seryosong sabi ko sa kanila.

"Totoo nga, Honey. Wait.. Lumayo muna tayo sa kanila."- hinila ako ni Cristal sa may gilid sumunod lang din sina Shannen at Mesha para malayo kami sa ibang mga estudyante na naririto pa.

"Sa totoo lang hindi rin kami naniniwala sa mga pinagsasabi nong mga kalaban kanina ngunit nagdadalawang isip rin kami dahil ba't sila magsisinungaling para lang makuha si Ema?"- mahinang bulong ni Cristal samin.

"Di ba mga baliw nga sila?"- sabi ko sa kanya.

"Nag i'imbento lang yon ng kung anu-ano para lang makuha ang master ko."- patuloy ko pa.

"Sa tingin namin, hindi. Seryoso sila habang sinasabi nila yon at pilit talagang ipinaintindi samin na hindi nga siya tao."- wika naman ni Mesha kaya napatingim ako sa kanya.

"Oo, Honey. May sinabi pa sila na kusang gumagaling ang mga sugat ni Ema sa katawan. Sabi rin nila na may kakaibang lakas na tinataglay si Ema at pag-aari ng boss nila ang mismong katawan niya."- pahayag ni Shannen.

"Ano? Mga baliw nga ang mga tao'ng yon! Ang kapal naman nila na para angkinin si Ema! Humanda sila sakin kapag nakaharap ko sila!"- inis kong kinuyom ang kamao ko sabay sapak sa kaliwang palad ko.

"Sabihin na natin na nagsisinungaling nga sila pero hindi ka ba nagtataka sa pagkatao ng master mo?"- tanong ni Shannen.

"At bakit ako magtataka? Kilala ko siya at walang kakaiba sa kanya."- sabi ko.

"Wala? Sigurado ka?"- siya.

"Oo! Huwag niyo na lang silang paniwalaan. Kalimutan niyo na lang."

"Pero Honey hindi natin pwedeng isawalang kibo ang tungkol sa bagay na yon."- sabi ni Cristal.

"I agree. Wala naman sigurong masama kung mag i'imbestiga tayo diba? Aalamin natin ang katotohanan."- sabi naman ni Mesha.

"Kung ayaw mo, Honey. Hindi ka namin pipilitin. Pero talagang gagawa kami ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang totoo at para matahimik na tayo. Maski ako hindi naniniwala na hindi tao si Ema pero this is a modern day at marami ng mga bagong teknolohiya ang naiimbento at baka isa na siya ron."- masama akong napatingin kay Shannen sa mga pinagsasabi niya.

Naniniwala ba talaga silang hindi tao si Ema?

"Your In about this or your Out."- tanong ni Mesha at nag-antay sila sa magiging sagot ko.

Argh! I hate this!

But I need to do something for the sake of my master and I.. I will do anything to make her safe.

"I'm In."-sagot ko kahit sa loob-loob ko hindi ako payag.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

-EMPEROR'S POV-

A-yaya-yayay..

Ilang minuto na lang at may biglang papasok sa pintuan ng opisina ko at may mang sesermon na naman sakin kaya hinanda ko na ang sarili ko.

.

*KABLOG.!!

.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon