Chapter 3: 1st Target
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMPEROR'S POV-
"1, 2, 3...."- bilang ko.
*PAK.!
"Shoot! Shoot! Shoot.!"- sambit ko pagkalipad ng bola patungo sa butas ng golf course.
"Wohooo...!!!! Shoot it!"- tuwang-tuwa ako matapos sumapol sa goal ang tira ko. Pasayaw-sayaw pa ako ng cha-cha dahil sa saya na muli akong nakasapol sa golf.
Nakakabata talaga ang paggo'golf. Heshh..! Hahaha..
Nandito ako sa sarili kong practice field kasama ang mga tauhan ko.
.
*Kringgg.! Kringgg.! Kringgg..!
.
"Hello."- sagot ko agad sa tawag sa telepono.
"What? Oh.? Oh..? Ahahaha...!! Tsk-tsk.. Ahahahaha.. !!"- napahalakhak ako matapos kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya.
Naku... Ang batang 'yon. Mukhang may mangyayaring hindi inaasahan mamaya. Sabik na akong malaman kung ano ang gagawin niya.
"Emperor, pinapasabi rin po ni Prince Charles na bibisita siya sa Diabolic Academy mamayang 6:00 pm."- tinig mula sa kabilang linya ng telepono.
Hmm.. Gustong bisitahin ng prinsipe ang kanyang anak.
"I'm aware of that. Siguraduhin niyo lang na maayos siyang makarating dito sa bansa. Dagdagan ang mga bantay at maghahatid sa kanya. Understood?"- utos ko sa mga tauhan ko.
"Yes, Sire."- anito at agad ko ng tinapos ang tawag.
Lumapit sakin ang mga tauhan ko at agad kong binigay sa kanila ang mga kagamitan na ginamit ko sa paglalaro ng golf.
"Ready the chopper. May pupuntahan ako."- utos ko sa kanila. Yumuko sila bilang tugon at agad ng sumunod sakin paalis sa field.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
-EMA'S POV-
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng sobrang panghihina sa buong katawan.
Pansin kong nasa silid ako na parang isang kulungan. Gawa sa makapal na bakal ang mga pader pati na rin ang pintuan. May kaunting ilaw na nagbibigay liwanag sakin na galing sa maliit na bintana.
Nakaupo ako sa silya habang nakagapos ang mga kamay at paa ko sa likuran ng upuan.
Nagmumukha akong preso rito.
"Teka... Ano nga bang nangyari kanina? Ang sakit-sakit ng katawan ko at nanlalamig rin ang mga kalamnan ko?"- tanong ko sa sarili.
Inaalala ko talaga kung ano ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay at nakulong rito.
~FLASHBACK~
"Napakawalanghiya mong bruha ka! Anong karapatan mo para lapastangin si Lord Ram! Lord Sib! Lord Jed! Lord Jay at Lord Dos! *Wapakkk..!"- Bulyaw ng babae sabay sampal ng malakas sa kanang pisngi ko.
Napangiwi ako sa ginawa niya. Ramdam kong dudugo natong mga pisngi ko sa mga bwes*t na mga taong ito.
Hindi ako makapalag sa kanila dahil hawak-hawak pa rin nila ako.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Misterio / SuspensoSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...