Chapter 14: Moment with My Lord.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
-EMA'S POV-
Oficially isa na akong tagapagsilbi. -__-
Habang naglalakad ako na may hawak-hawak na ibat-ibang klase ng libro. Mga sampung libro para kay Lord Sib. Napapansin kong napapatingin sakin ang mga estudyante.
"I really hate that girl.."- rinig kong sambit ng isang babae.
Ewan ko lang kung ako ang pinaparinggan?
"Yeah.. And also me. I hate her.."- tugon naman ng isa pang babae.
"Hey guys! Did you hear the news?"- napatigil ako sa paglalakad para matignan ang lalaking nagmamadaling lumapit sa nagkukumpulang mga estudyante.
"What is it, Nerd?"- tanong nung sosyal na babae sa kanya.
"Nasa malubhang kalagayan ang grupo ni Nick!" -pagbabalita nung lalaking medyo nerd.
"What!??"- sabay-sabay naman na napatanong ang mga nakikinig.
"Sabi nga ng nurse kanina. Nasaksak daw ang dalawang tauhan ni Nick 'tapos may dalawa pang nagkaroon ng bali sa buong katawan. Habang si Nick naman at si Franco ay bugbog sarado! Grabe! I cant believe it na nangyari yon sa kanila!"- hindi makapaniwalang sambit nung nerd.
"Is that true?"- paniniguro ng babae na kulot ang buhok.
Sino naman kaya yong tinutukoy nila?
Hmm.. Mas mabuti pang umalis na ako para mahatid ko na sa AMO ko ang kanyang mga kakailanganing libro.
Ersssss... -__-
"Hindi ako maghahatid ng balita kung hindi totoo. May isa pa nga akong nalaman eh.."- rinig ko pang sabi ng nerd habang naglalakad na ako pabalik sa private library ng mga royalties.
"At ano naman yon?"- pa slang na sabi ng isang Americana.
"May amorpha daw dito sa academy!"- bigla akong napatigil sa paglalakad pagkarinig ko sa sinabi nung nerd.
"What! Really?"- may ibang biglang napatayo at mas lumapit kay nerd.
"Hindi pa nga lang ako sigurado kung totoo ba yon o hindi."- sagot nito.
"Gosh! Kung totoo yan talagang makikipagkaibigan ako sa kanya!"- echusera 1.
"I agree! I'll surely be a good friend to him/her if I will know who is it."- echusera 2.
"Hmm.. Kung totoo yan. Paniguradong marami talagang maghahabol sa kanya."- sabi naman ng isang lalaki kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko.
May alam kaya siya?
'Tapos bigla na lang siyang napatingin sa direksyon ko. Seryoso siyang nakatitig sakin kaya bigla akong kinabahan.
"Stupid Lady.. I'm waiting for you for about 30 mins."- agad akong napaharap ng tingin dahil sa isang lalaking bigla-bigla nalang susulpot.
BINABASA MO ANG
Diabolic Academy {Watty's 2018}
Mystery / ThrillerSchool for Elite Demonize Students. Papasok siya sa sinasabing akademiya dahil sa kadahilanang pinapunta siya roon ng isang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag tuluyan na siyang nakapasok sa prestihiyosong paaralan. Lingi...