Chapter 39 {Good News or Bad News}

1.3K 36 0
                                    

Chapter 39: Good News or a Bad News

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-EMA'S POV-

"Milady? Milady? Wake up, milady."- minulat ko ang mga mata at napakurap-kurap saglit dahil may kung sinong yumuyugyog saking balikat.

"Huh?" -napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ko. Agad akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari kaninang madaling araw at..

"Geez.. Nakatulog yata ako dito?"- bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa lalaking gumising sakin. He has this blonded hair that is well comb. Wearing glasses pero hindi siya isang geek kung titignan. Maayos at halatang matalino.

Grabe.. Dito na yata nakatira ang lahat ng lalaking gwapo. *.*

"Hi milady, by the way I'm Ethan Hawke."- pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay sakin. Agad ko rin naman itong tinanggap at nagpakilala ng maayos.

"Ema Mayer, please call me Ema."- sabi ko at napangiti siya at napatango. Habang pinagmamasdan ko siya parang siya 'yong?

"Oh.. ahm.. I'm really pleased to meet you personally, milady, but I need to go. I have something works to do so I'll leave you now if it's okay to you?"- habang nagsasalita siya ay sinuri ko talaga siya ng tingin.

Parang siya talaga yong lalaking nakita ko sa loob ng science lab.?

"Ahh.. Oo. Ayos lang ako. Sige."- habol ng tingin na lang ang ginawa ko habang papalayo na siya. Kung siya talaga yong nakita ko na biglang nag laho? Eh bakit nakikita ko siya ngayon?

Pero hindi pa talaga ako sure kung siya ba talaga 'yon? Oh kung totoo ba 'yong nakita ko? Haist... nadagdagan na naman ang iisipin ko.

***

"Ema? May susuotin ka na ba for the Christmas Ball?"- tanong sakin ni Honey. It's been three weeks had past and two days from now ay Christmas ball na.

"Hmm.. Actually, wala akong balak na sumali."- sagot ko. Mas madalas na ang pagsasama namin nila Honey, Cristal, Shannen at Mesha at talagang mas napalapit na ako sa kanila at kahit papano may alam na ako tungkol sa kung anong pag-uugali ang meron sila.

Si Cristal, well.. may pagkaugali sila ni Honey at ang masasabi ko land din ay isa siyang sosyalerang babae na hindi maarte.

Si Shannen ay may cutepie look pero may seductive look kapag nagiging seryoso. Humble rin siya at mabait gaya ni Honey pero lahat naman sila mababait.

Si Mesha naman, madalas seryoso at busy. May pinagkakaabalahan yata lagi. Laging nakatutok sa tablet at laptop at mahilig sa sites 'tapos madalang kung kausapin pero nakikisalamuha naman siya ng mabuti sakin.

"And why are you not going to the ball, my dear?"- tanong ni Cristal na abala sa pagpili ng mga sosoutin dito sa dress shop. Still nasa loob ng school pa rin ang shop na pinuntahan namin. Ganito ka sosyal at gara ang school ng matandang hukluban.

"Balak ko ng umuwi."-diretsong sagot ko at sabay-sabay silang napatingin sakin habang may hawak silang dress na nakasabit.

"What? Your going home? You mean? Your living the school? Your living us?"- napalapit silang apat sakin.

"Yeah.. I think I should go home na. 'Tapos na ang mission ko dito kaya wala na akong balak na magtagal pa. At isa pa may mga tao'ng nag-aantay saking pag-uwi."- sabi ko. Nasabi ko na rin sa kanila kung bakit napadpad ako dito sa school at 'yong tungkol sa baby lambo ko.

"Pero Ema? Hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng party ikaw uuwi?"- tanong ni Shannen.

"Oo nga, Ema. Please?"- pakiusap ni Cristal.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon