"Sof hindi ka ba talaga pupunta?" tanong ng kaibigan kong si Aliana. Umiling ako at ngumiti. "Sure ka?" paniniguro niya.
"Oo nga, may gagawin pa ako eh" pag papalusot ko. Ano naman kasing mangyayari kung sasama ako? Para lang naman akong hangin sa kanila at mukha naman silang masaya kahit na wala ako.
"Sige ingat ka" sabi ni Aliana at tumango at simula ng naglakad papalayo sa kanila.
Napapansin kaya nila? Kaya ba talaga nilang wala ako? Siguro...
"Late ka nanaman!!" wow just wow! Hindi pa ako nakakapasok ng bahay sinisigawan na niya ako. "Nag lakwatsa ka nanaman noh?!" uggghhh!
"Can you please shut up?! Lolo lang kita hindi magulang!" hindi na ako nakatiis at sinagot na ang napakagaling kong Lolo.
"How dare you?!" pinandilatan niya ako pero hindi niya ako madadala sa mga ganyan niya at nilagpasan lang siya.
"Marunong ako rumespeto sa mga taong rumerespeto sa pagkatao ko" sabi ko kay Lolo nang nakatalikod at pumunta na sa kwarto ko.
Kailan ba niya ako itratrato ng parang apo? Gustong gusto ko na lumayo pero saan naman ako pupunta? Wala naman akong pamilya dito nasa ibang bansa. Wala naman si Ate Shaina para protektahan ako kay Lolo. Gusto kong mag subong pero mas malakas pa rin si Lolo. Walang kapalag palag ang mga magulang ko sa kanya.
Ting!!
Tinignan ko kung sino yung nag chat at thankful ako at may nakakaalala pa sa akin at yun si Marcus schoolmate ko lang siya at sa chat ko lang nakakausap dahil naiilang akong batiin siya o lapitan.
"Ayos ka lang? Hindi kita nakita kanina" tanong niya sa akin.
"Napagalitan nanaman kasi ako, kumusta pala yung banda niyo?" tanong ko. minsan naioopen ko din ang mga ginagawa ni lolo sa akin pero hindi detalyado at nangako siyang wala itong pagsasabihan.
"Hindi kasi kami nakapag practice kanina pero may isesend ako sayo na audio record pakinggan mo kung maganda ba o hindi" sobra kasi netong passionate sa ginagawa niya at suportado ko si Marcus dahil parehas kaming mahilig tumugtog ng gitara.
Mabuti pa sa lotto,
May pag asang manalo,
Di tulad sayo impossible,
Prinsesa ka, ako'y dukhaMaganda ang boses ni Marcus pero mas malakas pa rin ang pag tugtog niya ng gitara.
"Narinig mo ba? Sorry hindi ko napigilan sundan yung kanta" sabi ni Marcus. Wala kasi siyang tiwala sa sarili niya, totoo naman talagang magaling si Marcus hindi ko nga alam bakit hindi niya talaga i-pursue yun eh.
"Oks lang, galing mo nga eh" pagpuri ko sa kanya.
"Uy nga pala kumusta si Aliana?" chat niya sa akin. May gusto kasi siya sa best friend ko ang torpe torpe kasi sabi ko ligawan na niya.
"Ikaw kaya mag tanong duh!" sagot ko sa kanya.
"Para namang kaya ko hahaha" sabi niya.
"Nga pala"
Hinintay ko siyang mag chat ulit "Nag away nanaman ba kayo ng Lolo mo?" tanong niya. Si Marcus lang ang may alam sa ginagawang pananakit at paninigaw ni Lolo sa akin. Isa sa mga mga dahilan kung bakit ko sa kanya sinasabi ang lahat dahil wala namang nakakaalam na magkakilala kami for sure hindi niya yun maikwekwento sa mga kaibigan niya.
"Yup, pero ano namang bago?" sagot ko sa kanya. "Wag na natin pag usapan hahahaha" pag papaagan ko ng topic.
"Kain lang ako, ikaw kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...