Chapter 19 - Trouble

199 0 0
                                        

Author's Pov

Makalipas ang ilang araw nakahanap na si Savannah ng paglilipatan nila Sofia. Palihim lang silang lumipat at hindi lahat ng gamit nila ay nadala ng magkapatid. Naghanap na rin ang Ate Savannah niya ng pagkakakitaan o trabaho dahil alam niyang ipapa-freeze lahat ng bank account ng kapatid pero nakakuha naman na sila ng sapat na pera bago pa mangyari iyon.

Hindi pa rin nagkikita si Sofia at Aliana dahil tinutulungan pa ni Sofia si Savannah sa pag aayos ng gamit sinuggest din ni Sofia na maghahanap din siya ng trabaho pero pinigilan siya ng kapatid neto.

"Hey Sof" tawag ni Savannah habang abala si Sofia sa kanyang ginagawa.

"Hmm?"

"May bisita ka" sagot naman ni Savannah kaya naman nilingon ni Sofia ang Ate niya.

Napangiti ito sa kanyang nakita at agad na napatayo sa kanya inuupan. Hindi na nagdalawang isip si Sofia at niyakap na ang matagal niyang hindi nakikita...

"Mom!" bulalas nitong sabi.

"Nako dalaga na ang anak ko" hindi na napagilan ng kanyang Ina na si Samanda.

"Miss na miss kita mommy!" sabi ni Sofia at hindi na rin napigilan umiyak at niyakap ng mahigpit ang mommy niya.

"Aish! Sali niyo naman ako" singit ni Savannah at tinawanan ng kanyang kapatid at mommy.

Masayang nagkwekwentuhan ang tatlo at kita ang labis na kasiyahan ni Sofia ng makita niya ang mommy niya.

"May nabalitaan ako sayo" sabi ni Samanda na ipinagtaka naman ni Sofia. "Care to share about Aliana?" tanong ni Samanda at nginitian si Sofia bilang pag engganyo na ikwento ni Sofia sa kanyang mommy.

Sinamaan naman ng tingin ni Sofia si Savannah at nag peace sign ang kapatid niya kay Sofia.

"Mommy alam kong iba ang expectations mo and I'm sorry for that. I think it just happened" seryosong sabi ni Sofia sa mommy niya.

"Wala ka dapat ika-sorry Sofia. Nag mahal ka lang naman at walang masama dun. As long as you're both happy okay lang sa akin" pagpapaintindi ni Samanda sa kanyang anak.

"Thank you mommy" pagpapasalamat ni Sofia.

--------------------------------

Sofia's Pov

Aish! Bakit ayaw sumagot ni Yana? Busy ba siya? Weekend naman bukas ah. Haysss...Feeling ko nagtatampo na siya. Kailangan ko kasing tulungan si Ate na makapasok sa trabaho. Alam namin na malaki laki ang nakuha namin sa savings account naming dalawa pero alam kong may hangganan din yun at kailangan maging stable. I know na may plano pa si Lolo at galit na galit na yun sa amin dahil tumakas lang kami. Balak ko na din lumipat ng school para hindi na makapanggulo si Lolo sa buhay namin at hindi ko pa nasasabi kay Yana yun.

Ring...Ring.....

Toot...Toot....

The subscriber cannot be reach please try again later....

Ugghhh...Nag aalala na ako...

Ring....Ring...

"Love?"

"Hmm?" huhuhu galit siya...

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Yeah" aish! Bakit ganyan siya makipag usap sa akin?

"Sure ka?" tanong ko sa kanya

"Yup" hayss....Hindi ko naman alam na magtatampo siya ng ganito. Everytime kasi na gusto niya makipagkita I just reject her suggestions baka kasi malaman ni Lolo kung saan kami nakatira.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon