Chapter 7 - I Miss You

295 2 0
                                        

Aliana's Pov

Two weeks.... Two weeks ko nang hindi nakikita si Sofia tinatry ko siyang puntahan pero ang sabi lang ni Manang Flor ayaw ni Sofia ng bisita. Tinatawagan at tinetext ko siya pero wala siyang reply o hindi manlang sinagot ang tawag ko.

"Iniisip mo pa din?" tanong ni Marcus at oo okay na kami ni Marcus kinausap niya ako matapos ng nag away kami ni Sofia.

"Aliana okay lang ba si Sofia?" tanong ni Marcus sa akin.

"Oo pero titignan pa siya ng Doctor" simpleng sagot ko.

"Aliana I'm sorry for what I've done to you and to Sofia. Nung nalaman kong nag wawala at nag pupumilit si Sofia na balikan tayo nakunsensya agad ako. Hindi lang para sa kanya pero sayo din. Ang childish ko man sa mga ginagawa ko at trato sayo pero gusto ko lang naman talaga mapansin at kausapin mo ako. Ang dami kong narealize ngayon Aliana." hindi ko aakalain na manghihingi siya ng tawad at mag explain.

"Isa na dun kung gaano ka pinapahalagahan ni Sofia. Pag nag uusap kami niyan she would always say na ingatan kita, wag kitang sasaktan if ever na sagutin mo daw ako kase siya mismo ang papatay sa akin pag nangyari yun" sabi ni Marcus na medyo natatawa. "May narealize pa ako..."

"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.

"That deep inside she loves you. Walang taong gagawa ng ganun kung wala siyang nararamdaman sayo" gulat na gulat ako sa sinabi niya. Si Sofia gusto ako? That would never happen.

"Baliw ka ba? Hindi mangyayari yang sinasabi mo" sabi ko at tumawa.

"Mangyayari yan kung willing ka din"

"Nag aalala lang ako" sagot ko sa kanya.

"Are you sure?" tanong ni Marcus sa akin. "Tumingin ka sa left side mo" sinunod ko naman ang sinabi niya at nakita ko si Sofia!!

Kaso.... Si Zyrus ang kasama niya.

Sofia's Pov

Kausapin mo na siya Sofia. Kaya mo yan.

"Zyrus saglit lang ah" paalam ko sa kanya at tumango lang sa akin.

Pinuntahan ko si Aliana kung saan kasama niya din sila Maddie at andun din si Marcus. Talaga bang okay na sila??

"Yana" tawag ko sa kanya

Author's Pov

Nang tinawag ni Sofia si Aliana nagulat at bumilis ang tibok ng puso ni Aliana. Hindi niya inaasahan na kakausapin ito ni Sofia.

"Sige naaaa, mag usap na kayooo. Itong dalawang babaitang itoooo" singit bigla ni Maddie "Tara na muna guys, hayaan na muna natin sila" sabi ni Maddie at tumayo na silang lahat.

"Kumusta?" paninimula ni Sofia

"Ayos lang, ikaw? Kumusta yang saksak mo? Magaling na ba?" sunod sunod na tanong ni Aliana.

"Okay lang naman. Ipinahinga ko lang ng dalawang linggo" sagot naman ni Sofia.

"Kaya ka ba hindi sumasagot sa text at tawag ko?" pagtataka ni Aliana.

"Isa yun sa mga dahilan pero may iba pa" sabi ni Sofia.

"Ano naman yun?" tanong ni Aliana at tinignan si Sofia at ganun din si Sofia.

"Na ang hirap pala pag wala ka sa tabi ko" simpleng sagot ni Sofia pero punong puno ng kahulugan.

"Ah eh" sabi ni Aliana at namumula na ang pisngi niya.

"Aliana I'm not completely sure with my own feelings pero kailangan ko maging sure kaya kailangan kita kausapin" sabi ni Sofia.

"And what will I say?" kinakabahang tanong ni Aliana.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon