Aliana's Pov
How did she plan it? Grabe halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Yung mga salita na mga sinasabi niya hindi kinakaya ng puso ko. Paano niya ako ginaganito? Yung parang ako lang ang mga dahilan niya kung bakit pa siya nabubuhay? Paano niya nagagawang mahulog pa ako sa kanya ng paulit ulit? Paano niya nakakayanan na pasayahin ako ng ganito? Grabe ka Sofia....
"May I ask this question" grabe na ng tibok ng puso ko. Hingang malalim Aliana. Relax lang....Nakita ko din kung paano kabahan si Sofia at ang cute cute niyang tignan.
"Will you be my girlfriend?" naramdaman ko ng pagtigil ng tibok ng puso ko. SHOCKS! TINANONG NA NIYA AKO! HINDI AKO MAKAPANIWALA! HUHUHU GUSTONG GUSTO KO NG UMIYAK!
"YES NA YAAAN!" rinig kong sigaw nila Maddie kaya naman natawa ako sa kanila. Humanda sila may pa-ganito pa silang nalalaman ah!
"Syempre naman oo" sagot ko kay Sofia. I see in her eyes na onti na lang iiyak na siya but I failed to see it dahil niyakap na niya ako. Feeling ko I am the happiest girl in the world. Sana ganito palagi. Sana ito na talaga.
"T-than-k y-you" tama nga ang hinala ko umiiyak na rin siya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya" sabi niya sa akin.
"Ganun din ako, Sof. Hindi ko naman alam may paganito ka" sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ni Sofia. "Kahit kailan iyakin ka pa din" pangaasar ko sa kanya at ayan nanaman siya sa pagiging isip bata niya.
"Ikaw din naman ah!" aish! Bata!
"HEP!" sigaw ni Iñigo kaya naman napalingon ang lahat sa kanya at lumapit kay Sofia at may binulong.
"Ay oo nga pala" sabi ni Sofia. Ano naman kaya iyon?
"Uhmm guys, thank you pala sa pag suporta. I know na busy din kayo pero wala kayong nagawa kasi tinakot kayo ng mga kupal kong kaibigan" natawa naman ako sinabi niya. Siya na nga itong tinulungan siya pa itong ng asar. Tss!
"Sukli manlang sa ginawa niyo. Ibibigay ko kay Iñigo yung pass ng isang exclusive bar malapit dito at kayo kayo lang naman ang tao dun kaya do what you want. 8:30 pm ang start at kahit umagahin kayo oks lang yun. Nakausap ko na ang may ari" pagkasabing pagkasabi niya yun, naghiyawan ang lahat ng tao dito sa gym. Lahat yan ililibre niya? Mga nasa thirty five din na tao ito ah.
"WOOOOH!"
"THANK YOU SOFIA!"
"YESS!!"
"PARTY! PARTY!"
Yan lang ang mga narinig kong sigaw ng mga tao dito. Actually kilala ko naman silang lahat at yang mga taong yan ang suportado sa mga pinaglalaban ni Sofia sa school at kung meron man silang hindi magustuhan agad nilang sinasabi kay Sofia at si Sofia naman ang nagbabago nun para maging maayos ang lahat.
"Hindi ka sasama sa kanila?" tanong ko kay Sofia at umiling lang ito.
"Baka kung ano nanaman magawa pag nalasing ako" sabi niya at natawa. Tama naman siya eh, baka kung ano nanaman mangayari.
"Woooow ikaw ba yan Sofia?" pagbibiro ko sa kanya.
"Tss!" HAHAHAHA AZAR SIYA!
"Joke lang ito naman" sabi ko dahil hindi na maipinta ang mukha niya. "Bawiin ko yung sinabi ko kanina eh" pabiro kong pagbabanta sa kanya.
"What? No way!" aish! Isip bata talaga. "Sinagot mo na ko wala ng bawian" dagdag niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin...
"Yieee kilig siya" aish!! "Ops! Subukan mo akong awayin" pag papatigil niya sa akin
"At anong gagawin mo aber?" mataray kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Promise?
Hayran KurguMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...
