Sofia's Pov
Makalipas ang dalawang araw babalik ako sa school namin para bawiin na kay Lolo ang pwesto na meron siya. Dala ko na ang kontrata at sulat na nagsasabing tapos na ang kanyang pamalalagi at wala na siyang karapatan pang makialam sa ano mang mangyayari sa school namin.
Pero bago yun hinanap ko muna si Aliana para masabi sa kanya kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta ko dito. Sinabi nila Mads na nasa garden daw iyon at hindi nila alam kung bakit.
Nang makarating ako doon nakita kong kausap niya ang lalaking nakausap niya nung pumunta ako dito mukha silang seryoso sa pinaguusapan nila kaya naman lumapit ako ng ka-onti para marinig iyon.
"Mali na itong ginagawa ko Max hindi lang siya yung niloloko pati na rin sarili ko" biglang kumirot ang puso ko ng marinig ang pag uusap nila. Dapat ko pa bang pakinggan o lalayo na lang ako para hindi masaktan?
"But it felt right pag magkasama tayo" sabi nung Max na iyon. Gusto ko siyang suntukin, gusto ko siyang saktan at ano ba ang meron siya na nahanap ng babaeng mahal ko. Pero bakit may pumipigil sa akin? Bakit parang may nagsasabing pakawalan ko na lang siya at hayaan na?
"Max nasasaktan ko siya" hindi ko na kayang marinig ang sinasabi niya ayokong marinig na yung taong mahal ko niloloko lang ako "I love her"
Bumalik ako sa loob ng school at diretsong pinuntahan ang Lolo ko yun naman talaga ang pakay ko bakit kasi ang hilig kong mag isip ng iba? Hindi ka pwedeng umiyak ngayon Sofia wala ka na dapat iyakan pa.
"Ano nanaman ginagawa mo dito?" hindi na ako nagsalita at binigay na sa kanya ang mga papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan.
"Buksan mo" utos ko sa kanya tinignan niya ako ng masama pero sumunod din naman siya. Isa isa niyang binabasa ang mga iyon at napapakunot noo na siya habang binabasa na ang mga iyon. Kitang kita ko kung gaano niya gustong punitin at magalit sa akin ngayon pero wala akong nararamdaman na takot mula sa kanya. "Once na pinunit mo yan, kulong ang maipapataw sayo" pagbabanta ko sa kanya.
"Bakit ka may ganito?! Saan mo ito nakuha?!" tanong niya sa akin
"Anak ako ng may ari ng school na ito alam ko kung saan yan nakatago. Matagal ka na dapat hindi nagtratrabaho dito pero narinig kong nagbayad ka para hindi ka maalis dito. Marami kang ninakaw na pera sa Daddy ko. Ibalik mo na yun o sa korte na ang huli nating pagkikita" pagsisindak ko sa kanya.
Pak!!
"How dare you to fight me?" napahawak ako sa pisngi at ramdam kong dumudugo na ito pero wala akong maramdaman na sakit dahil mas masakit pa yung marinig yung mga salitang yun sa mahal ko.
"How dare you to fool me?! Pagbayaran mo lahat ng kasalanan mo Lolo! Kulang pa yan kung tutuusin!" sagot ko sa kanya
"Sino ang tumutulong sayo?!" sigaw niya "Sino?!"
"Kailangan ko pa ba ng tulong ng iba kung nakaya kong humarap ngayon mag isa?! No one helps me! Natuto lang ako lumaban! Hindi ako matatakot sa hindi hamak na demonyo katulad mo!!" sagot ko sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman na nandito na si Mommy at siya ang tumutulong sa akin dahil masisira ang lahat ng plano namin pag nangyari iyon.
"Umalis ka na ngayon! Ako na bahala sa mga gamit mo!" utos ko sa kanya. Matanda nga siya pero mas kakayanin ko na dahil may lakas na din kami lumaban.
"No!"
"Pwede akong tumawag ng pulis Lolo!" pananakot ko sa kanya. "Leave this room now!!" galit kong sabi
"Hindi pa tayo tapos Sofia!!" sabi niya sa akin at lumabas na ng office niya. Sinundan ko siya dahil alam kong may plano na hindi maganda ang Lolo ko.
Nakasalubong namin ang Secretary niya kaya naman huminto muna ako
"Kunin mo na lahat ng gamit ng boss mo" utos ko at napataas siya ng kilay "At ikaw din kunin mo na din at wala ka ng trabaho. Wala kang karapatan na tarayan ako" sabi niya at napayuko naman siya at muli kong sinundan ang Lolo ko.
Isa isang bumati ang mga nasasalubong namin na estudyante sa kanya at napapatingin sa akin. Sinasamaan ko lang sila ng tingin at agad naman silang napapayuko.
Aliana's Pov
"Nakausap mo si Sofia?" tanong sa akin ni Mads nandito siya? Wala naman siyang nasabi sa akin. Umiling ako kay Mads at napakunot noo naman ito "Ang sabi niya kakausapin ka niya" sabi nito
"Wala naman ah" sagot ko
"She's right Ina, pinuntahan ka niya sa garden kanina dahil may importante daw siyang sasabihin" what? Nandoon siya? Paano pag narinig niya kaming nag uusap ni Max? Hindi kaya narinig niya kami? At hindi na lang siya nagsalita? No... Pero mapapansin ko naman yung kung may tao. Baka hindi niya kami nakita.
"Baka nandun siya pero malawak ang garden hindi lang niya siguro ako napan-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil dumaan sa tapat ng cafeteria ang Lolo ni Sofia at k-kasunod siya?? So talagang nandito si Sofia?
Bihira lumabas ng office ang Lolo ni Sofia kaya nakakapagtaka na lumabas siya at kasama pa si Sofia. Teka? Bakit namumula ang pisngi niya?
Agad akong tumayo at naglakad para kamustahin siya. Tumama ang mga mata niya sa direksyon ko pero agad niyang iniwas iyon. Bakit siya ganun?
"Sofia" habol ko sa kanya. Huminto naman ito pero hindi niya ako nilingon
"May importante pa akong gagawin sakanalang tayo mag usap" malamig niyang sabi sa akin.
"Okay.." yun na lang ang sinabi ko at hinayaan na siyang maglakad ulit. Nakita ko na nakakorte ang kanyang kamay na para bang gusto niya manuntok. Hindi ko na napigilan na sumunod ng palihim sa kanya.
Nang makarating sila sa gate ng school bigla siyang nagsalita at humarap na ang kanyang Lolo
"Maling mali kayo kung sino sinaktan mo" it is my first time to hear that voice again. Yung galit at panlalamig ng boses niya. Tinignan ko ang Lolo niya at bakas sa mukha niya ang galit.
"Shut up! I'll make sure hindi ka magiging masaya!" galit na sabi ng Lolo niya at lumabas na ng school.
"Sinusundan mo ba ako?" tanong niya sa akin.
"B-bakit ka ba ganyan?" tanong ko din sa kanya.
"Ayoko makipagaway kaya pwede? Wag mo na lang akong tanungin" sagot niya sa akin. I can't see her like that. Nakikita ko nanaman yung dating malamig na Sofia at sobra akong nasasaktan.
"Lov-"
"I think we should break"
Nanlambot ang mga tuhod ko at nanlumo ang buo kong katawan. P-panaginip lang ito d-diba?
"Sofia wag naman ganyan oh" pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi niya ako matignan sa mga mata ko "Look at me Love, sabihin mo kung bakit gusto mo makipaghiwalay" hawak ko sa mga braso niya.
"Do you love me?" tanong niya sa akin
"Of course" agad kong sagot
"Do you STILL love me? Bakit mo ako nagawang lokohin Aliana kung mahal mo ako? Alam mong sobra akong masasaktan pero bakit mo ginawa yun? Pinagmumukha mo akong tanga! Sige sabihin na natin mahal mo ako but love is not enough when it comes to relationship. Yung tiwala na binigay ko sayo bigla na lang nawala" I confirm that she was there when I talk to Max.
"Let me explain okay?" sabi ko sa kanya.
"Ilang chances pa ibibigay ko sayo? Dalawa? Tatlo? Pagod na ako Aliana" kita ko sa mga mata niya na sobra na siyang nasasaktan "Pagod na akong masaktan ng taong minahal ko. Intindihin mo naman ako"
May magagawa pa ba ako? Sofia na ang humihingi sa akin ng pangintindi, yung mahal ko.
"Panghahawakan ko pa rin yung pinangako mo" sabi ko sa kanya
"Hindi naman kita papaalisin sa puso ko. Nandyan ka na matagal na. Hindi lang siguro ito yung panahon natin" sabi niya sa akin.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil alam ko pag pinakawalan ko na siya iba na ang meron sa aming dalawa.
"I love you"
BINABASA MO ANG
Promise?
FanfictionMay mga tao na hindi natin pinapansin kasi iba sila sa mga taong nakapaligid sayo. May mga tao na kahit sarili nilang pamilya ay hindi sila maintindihan, May mga tao na nag bubulag bulagan sa katotohanan na nakakasakit na sila. May mga tao na para k...