Chapter 44 - A Date to Remember

163 2 0
                                    

Aliana's Pov

Ang OA ko na ba kung sinabi kong ako yung pinakaswerte na tao sa buong mundo ngayon? Damn.. Masyadong ginalinga ng girlfriend ko. Hindi lang simpleng date ang ginawa niya pero sobrang ganda ng pagkakaset-up.

"Masyado mo naman ginalingan" pangaasar ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Masyado mo naman ginalingan" pangaasar ko sa kanya. Inalalayan niya naman akong makaupo. Hayss napaka caring talaga niya. "Thank you" sabi ko.

"You're welcome" sagot niya at hinalikan ang noo ko. Ewan ko kung bakit gustong gusto kong hinahalikan niya yung noo ko.

Ugghh... Napakaganda talaga niya huhuhu bagay na bagay sa kanya yung suot niya. Kaya naman nilabas ko ang phone ko at pasimpleng pinicturan siya gusto ko na lang matawa dahil hindi manlang niya ako nahalata.

"Kain na ba tayo?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.

Shit.. Mga paborito kong pagkain ito eh.. Shocks.. Tinitignan ko pa lang parang mabubusog na ata ako. Effort kung effort talaga si Sofiaaa.. Oo ilang beses na kami nagdadate noon at buong akala ko yun na ang pinakamagandang date na meron pero mas may igaganda pa pala at sobrang special ng araw na ito.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin. Tinatanong pa ba yun?! "Itsura mo Love" sabi niya at tumawa.

"Kasi naman.. Hindi mo na dapat tinatanong yan napaka-obvious naman Sof" sagot ko sa kanya. Lalo siyang napangiti at sapat na para sa akin yun. Makita siyang okay at masaya.

"I miss that" nagtaka naman ako. Teka.. Ano ba sinabi ko? "Yung tawag mo" napangiti ako dahil alam ko na kung anong tinutukoy niya.

"Sof" tawag ko ulit sa kanya. Bakit parang lahat ng memories bumabalik? Lahat ng naramdaman ko ng panahon na iyon parang bumabalik? Yung unang beses kong kiligin ng dahil sa kanya. Yung unang beses akong kinakabahan sa mga hawak niya. Shit..

"Napaka ano mo... Kahit naman may boyfriend na ako hindi naman kita kakalimutan" para kasing ewan kung magtampo.

"Wala naman akong sinabi ah.. Kaya nga sabi ko sige na umalis ka na" tch... Nagtatampo talaga siya.

"Sof" seryoso kong tawag sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Ano?" irita niyang tanong. Meron ba siya?

"Sofia"

"Fine.. Fine... Hindi mo naman kasi na-fifeel yung na-fifeel ko eh kaya parang sayo biro lang" gusto kong matawa pero alam kong lalo siyang magtatampo pag ginawa ko yun. Inaamin ko naman na nung simula maging kami ni Brice napapabayaan ko na si Sofia kaya ngayon ako bumabawi.

"Kaya nga, ano yung nararamdaman mo?" tanong ko. May gusto siyang sabihin pero hindi ko alam kung ano yun.

"Wala" simple niyang sagot tapos umiwas siya ng tingin. "Tara na" sabi niya at kinuha ang bag niya. Tinignan ko lang siya at hindi sumunod for sure napansin niya ang hindi ko pagsunod.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon