Chapter 4 - Jealous?

388 2 0
                                    

Sofia's Pov

Ring....Ring.....

Toot....Toot...Toot...

Tulog na kaya yun? Maaga pa naman ah. May ginagawa kaya siya? Kailangan kong ikwento yun sa kanya. Zyrus Blake bakit ka pa bumalik dito? Ginugulo mo nanaman isipan ko.

Ring....Ring.....

"Hello?"

"Yana may ikwekwento ako sayo" paninimula ko. Alam kong may i-aadvice siya sa akin. Kilala niya si Zyrus pero hindi sila ganun ka-close at palagi silang nag aaway noong bata pa kami.

"Ano naman yun?"

"Si Zyrus bumalik" sabi ko.

Aliana's Pov

"Si Zyrus bumalik" that bitch! Bakit siya bumalik. Grabeng pang aasar ginawa niya sa akin noong bata pa kami! Wag na wag siyang magpapakita sa akin humanda siya!

"Yana?"

"Anong kwekwento mo tungkol sa kanya?" naiirita kong tanong sa kanya. Alam niyang hindi kami magkasundo nun tapos sa akin pa siya magkwekwento?

"Teka..Naiinis ka ba?" hindi obvious?

"No" maikli kong sagot sa kanya.

"Yana naman, kahit ngayon pa rin mainit pa din dugo mo sa kanya?" hinding hindi mawawala yun noh! Grabe kaya ang sama ng ugali niya! Kung alam mo lang Sofia kung gaano kadamot yang si Zyrus! Napaka selfish niya!

"If hindi yan importante ibababa ko na ito" pananakot ko.

"Gusto niyang manligaw" wow! Real quick! Kakabalik lang niya ng Pilipinas liligawan niya na agad best friend ko? Nako talaga!! "Pero ayoko" Mabuti kung ganun...

"If you're not ready wag muna pero if you want to try why not?" advice ko sa kanya. Decision rin naman niya yan at the end of the day.

Author's Pov

Nang lumabas na si Sofia sa bahay nila ay may nakaabang na sasakyan sa tapat ng bahay nila. Nagtataka naman si Sofia dahil hindi naman ito sasakyan ni Aliana. Lumabas naman ang tao sa loob ng kotse at nagulat si Sofia dahil si Zyrus pala ito.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Sofia jay Zyrus.

"Sasabay pumasok sayo" excited na sagot ni Zyrus.

"What?! Sa school ko din ikaw papasok?" gulat na gulat na tanong ni Sofia.

"Yes at binilin ka ng Lolo mo" proud niyang sabi kay Sofia "at kung ayaw mong malate tara na" sabi ni Zyrus.

Wala nang nagawa si Sofia at pumasok na sa kotse ni Zyrus. Buong biyahe ay tahimik lang silang dalawa minsan ay mag oopen ng topic si Zyrus pero agad naman itong pinputol ni Sofia ng maikling sagot. Alam ni Sofia na mag best friend sila ni Zyrus kaya dapat maging mabait siya dito pero nagiging hadlang lang ito dahil sa sinabi ni Zyrus kay Sofia kagabi.

Nang makababa na sila ay nauna ng naglakad si Sofia at hindi na hinintay si Zyrus. Nag aabang naman na si Aliana kay Sofia at nang makita niyang nakasunod si Zyrus kay Sofia ay nag iba ang awra ni Aliana.

"Yow Aliana!" tawag ni Zyrus at nairita naman si Aliana kay Zyrus.

"Bumalik ka na pala" medyo may pagkasarkastikong sabi ni Aliana.

"Look Aliana I know were not in good term when I leave pero were both matured now kaya sana magkaibigan na tayo" sabi ni Zyrus at nakikipag shake hands kay Aliana pero tinignan lang ito ni Aliana at pinapanood lang sila ni Sofia.

"Sige una na ako Sof" masungit niyang sabi sa best friend niyang si Sofia. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at nauna na.

"Ikaw kasi masyado mong sinaktan best friend ko noong bata pa tayo yan tuloy" pangaral na sabi ni Sofia.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon