Chapter 41 - Stress

168 3 0
                                    

Aliana's Pov

"Nakapagdesisyon ka na ba?" kasama namin si Sofia dahil tinawag nanaman siya ni Maddie pero kasama din namin si Max ngayon kaya sobrang awkard sa table namin.

"Wala na bang ibang student na pwedeng sumali bukod sa akin?" tanong niya kay Sofia

"Ano yung pinaguusapan nila?" bulong sa akin ni Max. Nagkibit balikat lang ako dahil wala akong kaalam alam sa sinasabi nila.

"Girl... I wish we have pero ikaw lang yung estudyante na kayang sumali diyan" sagot ni Mads kay Sofia.

"Fine" sabi ni Sofia at napabuntong hininga. "Alis na ako" pagpapaalam niya kay Maddie at hindi manlang magawang tignan ako bago siya umalis.

Sofia's Pov

Alam kong writing contest lang yun pero it was a big responsibility for me lalo na ang dami daming problema sa company.

"Good afternoon ma'am" bati sa akin ng secretary ko. Ngumiti lang ako at pumasok na sa office.

Ugghhh nakakastress yung ganito.

"What are my schedules for today?" tanong ko at agad na inopen ang laptop ko.

"May meeting po kayo with our business client 3:30 pm, then you have to sign a contract regarding to the rennovation of your sites in Palawan, tapos kailangan niyo pong tawagan yung head ng mag mamanage sa Palawan para sa mga materials, yung total cost for the rennovation. 4:15 pm may meeting po kayo with your staff tapos around 5:00 pm may dinner meeting po kayo with the Mendoza and Jefferson. Lastly you have to go back here para sa mga papers na pinapagawa po sainyo ng Mommy mo" I check my watch at 3:13 pm na. Huminga ako ng malalim para ma-relax ko yung utak ko. Kaya ko pa ba?

-

Mukha na akong lantang gulay ng tignan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse ko. Ang hirap makipag-deal sa business man na yun pero buti na lang at pumayag na siya kaya medyo na-late ako ng alis sa office. Kakarating ko lang dito sa restaurant na pagmimeetingan namin nila Tita at yung Jefferson na marami akong naririnig na magaganda tungkol sa kanila.

Lumabas na ako ng sasakyan ko at naramdaman ko nanaman ang pagkahilo ko. Sofia its not the right time na magkasakit ka, nakakahiya..

"Miss Sofia?" tanong sa akin at tumango na lang ako "I'll lead you there Ma'am"

Dinala ako sa isang VIP room. So ganito ka-importante ang pag uusapan namin? Well I'm ready naman.

Bakit nandito si Aliana? Wait... Max?? Anong ginagawa niya dito?

"Sofia!" napatingin ako kay Tita Amara. Lumapit ako kay Tito at Tita para makapagmano. What are they doing here? Ang sabi ng secretary ko we are planning for a big event this month at ano naman iyon?

Umupo ako sa bakanteng upuan at naramdaman kong sumasakit nanaman ang ulo ko.

"Are you okay hija? Namumula ka" tanong sa akin ni Tita at tumango lang ako. Bawal kang magkasakit Sofia tandaan mo yan.

"So let me introduce my family Sofia" sabi ni Mr. Jefferson sa akin. "I'm Clark Jefferson, this is my lovely wife Beatrice Jefferson and this is my son Max Jefferson" tumayo ako ulit para makipag-shakehands sa kanila.

"Nice meeting you" bati ko sa kanila at umupo na ulit.

"Gusto niyo bang kumain na muna or pag usapan na muna ang pinunta natin lahat dito?" tanong ni Clark sa amin. Tumingin siya sa akin at hinihintay ako makasagot. Naalala ko na kailangan ko pang bumalik sa office.

"I think pwede naman habang kumakain tayo habang pinaguusapan natin yun" suggest ko. Tumango naman siya at tumawag ng waiter para ma-iserve ang pagkain.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon