Chapter 5 - Confused

372 3 0
                                    

Author's Pov

Napansin ni Sofia na hindi mapakali sa kanyang tabi si Aliana "Okay ka lang?" tanong ni Sofia at tumango lang si Aliana

"Sure ka?" tanong ulit ni Sofia at napansin niyang namumula si Aliana.

"Nahihilo lang" mahinang sagot ni Aliana. Tumayo naman si Sofia kahit na umaandar ang bus at kinuha ang bag ni Aliana para makainom ito ng gamot.

"Here, inumin mo para mawala na yan" sabi ni Sofia at binigay kay Aliana. Kinuha naman ni Aliana at agad na ininom ang gamot "Sumandal ka na lang sa akin para hindi ka na mahirapan" sabi ni Sofia kaya naman sumandal si Aliana sa kanya.

-------------

Sofia's Pov

"Sof"

"Sofia"

"Hmm" ano ba yan inaantok pa ako eh!

"Tayo na lang natira dito gumising ka na" uggghhh. Nilibot ko ang mata ko at tama nga si Aliana kami na lang ang laman ng bus. Bumabawa lang naman ako ng tulog.

"Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko kay Aliana at tumango lang siya. Tumayo naman na ako at kinuha na ang mga gamit namin.

"Akin na bag ko" sabi ni Aliana kaya naman binigay ko na sa kanya ang gamit niya. Bakit parang ang init ng ulo neto?

Hindi ko inaasahan na nasa baba ng bus si Zyrus at mukhang hinihintay kaming makababa. Kukunin na niya dapat ang gamit ko pero tumanggi ako.

"Kaya ko Zyrus" sabi ko kay Zyrus.

"Una na ako" aish! Bad trip nanaman siya. Hindi naman ako pwedeng magalit kay Zyrus dahil wala naman siyang ginawang ikakagalit ni Aliana. Ewan ko din kay Aliana kung bakit ang init init ng dugo niya kay Zyrus.

"Hinahanap ka pala nung Aliyah ba yun?" natawa naman ako sa tanong niya.

"Amelia name niya not Aliyah, bakit daw?" tanong ko din kay Zyrus.

"I don't know" baka may meeting kami.

"Uhmm Zyrus pwedeng paki tignan muna yang gamit ko pupuntahan ko lang si Amelia" pag bibilin ko sa kanya.

"Sure" sabi ni Zyrus.

Umalis naman ako at hinanap na si Amelia. Nakita ko siya kasama ang ibang members ng Student Council ako na lang ata kulang. Aish! Nakakahiya...

"Pag papahingahin muna natin sila for one hour and then start na tayo agad ng first activity. Magiging mapanganib ito kaya naman mag aassign ako ng mga tao para mag bantay sa bawat station at kailangan kabisado ang lugar para if ever may maligaw may mga mag aassist sa kanila. I-didiscuss ko ang second activity pag natapos na tayo. Inaasahan ko na magiging responsable kayo at magiging maayos ang camping na ito" explain nung pinaka head ng mga teacher na si Ma'am Klea. "Sofia iiwan ko kayo dito ibibigay ko sayo ang map mayroon limang stations ikaw na bahala kung sino ang maassign" sabi ni Ma'am Klea at binigay sa akin ang at tumango naman ako.

"Attention!" sigaw ni Ma'am Klea para marinig sila ng mga nag dadaldalan na mga estudyante. Teka.... Nasaan si Aliana andito naman sila Zayn bakit wala siya? "Attention!!" sigaw niya ulit. "Sofia ikaw na mag announce"

"We will give you 1 hour to rest. Kailangan niyo bumalik dito at exactly 10:00 am" announce ko naman sa kanila. "You may go to your respective rooms" utos ko sa kanila.

Nasaan na kaya yung babaeng iyon? Nag si-alisan na silang lahat pero hindi ko pa rin nakikita si Aliana. "Sofia" nilingon ko kung sino iyon si Amelia pala Vice President ng Student Council.

"Ano ng plano?" ay oo nga pala...

"Magkikita tayo mga 9:45, mag aassign na lang ako nun" sabi ko at sumang ayon naman silang lahat.

Promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon